Chapter 53

2.9K 81 2
                                    

CHAPTER 53

Adira's POV

Nagising ako matapos kong marinig ang malakas na pagtunog ng cellphone ko. Nakalimutan ko pa lang bababaan ng volume nung may ginawa ako kagabi. Inis na inis ako dahil natutulog pa ang tao tapos may magtetext ng ganito kaaga.

Bwisit.

Kahit inaantok ay agad kong kinuha ang cellphone ko para tignan kung sino man ang gagong nagtext sa akin ng ganito kaaga.

From: Unknown Number

Cutie preggy. I'll surely buy more.

Naningkit ang mata ko sa nabasang text. Anong pinagsasabi nito? Baliw ata ang isang 'to. Kung ano anong sinasabi. Baka isa lang 'tong lasing tapos nawrong send. O baka naman nakalimutan nitong uminom ng gamot kaya may saltik. Badtrip, isturbo ng tulog ko.

Ibabalik ko na sana ang cellphone ko ng biglang tumunog na naman ito. Hindi ko na sana ito titignan dahil baka wrong send lang ulit pero nacurious ako dahil picture na ang sunod na pinadala nito.

Unknown number sent a photo.

Agad akong kinabahan kong anong picture ba ito pero nang buksan ko ito ay halos lumawa ang mata ko matapos kong makita ang picture na binigay sa akin.

Isang mangga!

May isang malaking hilaw na mangga ang sinend pero hindi lang iyon basta mangga dahil edited na mangga yun na kung saan, sa gitna nun ay ang mukha ko habang sarap na sarap sa pagkain ng hilaw na mangga. Nagmukha tuloy na mascot ko ang isang malaking hilaw na mangga.

Tangina.

Pilit kong iniisip kung saan nakuha nitong taong ito ang picture ko samantalang sa loob ng bahay namin ito. Agad ko namang naalala si Zephyrus. Siya lang ang nagpicture nito sa akin habang abala ako sa pagkain ng mangga kahapon.

Ang lalaking iyon.

Pero agad akong nabalik sa reyalidad nang maalala ko ang unang text nito sa akin.

Cutie preggy. I'll surely buy more.

Cutie preggy. I'll surely buy more.

Cutie preggy. I'll surely buy more.

Ilang beses nagpaulit ulit sa isip ko ang nabasa ko at doon unti unting namuo ang luha ko nang marealize ko na si Zion ito. Halos nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang cellphone ko. Agad kong binasa ulit ang text para lang siguraduhin na siya nga talaga yung nagtext sa akin pero hindi pa ako nakuntento doon. Hindi ko alam pero may sarili atang isip ang daliri ko at namalayan ko na lang na pinindot ko na ang call button.

Ano ba itong nararamdaman ko?

Nagring lang ito ng ilang sandali bago nito tuluyang sinagot. Hindi muna ako nagsalita at pinakinggan muna ang kabilang linya pero wala akong naririnig na salita. Tanging mabibigat na hininga lang ang naririnig ko.

[Zion?] patanong kong sabi para kumpirmahin kung siya nga ba talaga ito.

Wala akong narinig na sumagot kaya mas lalo kong nilapit ang tainga ko sa cellphone pero tanging mabibigat na hininga lang talaga ang narinig ko. Pero this time, may kakaiba.Parang... parang may naririnig akong umiiyak sa kabilang linya. Tatanungin ko sana kung sino yung umiiyak pero bigla akong binabaan ng cellphone.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now