Chapter 23

3.4K 108 2
                                    

CHAPTER 23

Adira's POV

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko at mas lalong sumakit ang ulo ko.

Ramdam ko na ang panlalamig dahil sa walang tigil na ulan sa labas na nakapagpadagdag ng lamig na nararamdaman ko.

Kanina pa umalis ang kambal ko at ngayon ay kasama ko na ang mga anak ko na kasalukuyang mahimbing na natutulog.

Napatingin ako sa orasan at nakita kong pasado 10 na ng gabi.

Nagkumot na lamang ako at pinikit na lang ang mata ko hanggang sa magising ako ng may kumakalabit sa akin.

"Mommy? Mommy, are you cold?" tanong sa akin ng panganay ko na bumungad agad sa akin.

Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya kaya pinilit kong ngumiti para mawala ang pag-aalala niya.

"I'm fine, baby. Balik ka na sa tulog mo. Okay lang ako." sabi ko.

Pero hindi nakinig sa akin ang anak ko at hinawakan niya ang noo ko.

"You're hot, Mommy. You have a fever. You need to drink a medicine."

Pinilit kong bumangon at hinawakan siya.

"Can you get my medicine?" tanong ko sa kanya at tumango naman siya at agad na lumabas para kumuha ng gamot sa may kusina.

Narealize kong tama siya. Kailangan kong uminom ng gamot para hindi na masyadong lumala ang lagnat ko.

"Here mommy. Drink this para po mawala na yung lagnat niyo po." sabi ni Zander at inabot sa akin ang gamot at tubig ko.

Agad ko itong ininom at ibinigay sa kanya.

"Thank you baby."

Agad naman na akong humiga at agad niya akong kinumutan. Tumingin naman ako sa kanya at mukhang wala siyang planong umalis sa tabi ko.

"Go back to your sleep na. Okay lang ako. Bababa rin ito mamaya." sabi ko pero umiling lang siya.

"No, Mommy. Kapag kami ang nagkakasakit ay inaalagaan mo kami kaya ngayon na ikaw naman ang may sakit, aalagaan po kita." sabi niya at hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Ang swerte ko talaga.

"Sleep ka na po mommy. May kukunin lang po ako." sabi niya at agad na lumabas.

Magtatanong pa sana ako kung saan siya pupunta ng bumalik agad siya habang may dalang isang palanggana na may tubig.

"You're so hot po, Mommy. Kailangan po ng punasan ang katawan niyo po." sabi niya at agad akong pinunasan.

Napangiti naman ako dahil hindi ko akalaing ang isang five years old na bata ay marami ng alam sa pag-aalaga.

"Saan ka natutong mag-alaga ng ganito hmm, baby?"

Tumigil naman siya sa pagpupunas sa akin at humarap.

"Nakikita ko po sa inyo, Mommy. Kapag nagkakasakit kami ng ganito ay ganito po ang ginagawa niyo."

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now