Chapter 28

3.5K 91 6
                                    

CHAPTER 28

Adira's POV

"Nag-away kami ng kaibigan ko. Anong english ng manigas ka diyan?" tanong ni Jia sa mga kasamahan namin sa opisina.

"Harden there?"

"Stiffen there?"

"Petrified there?" sagot ng mga kasama ko kaya hindi ko maiwasang hindi matawa.

"Hindi naman ata yan yung english ng manigas ka diyan e!" inis na sabi ni Jia.

Bigla namang sumabad si Lhea kaya sa kanya nabaling ang atensyon namin.

"Ah! Alam ko na!"

"Ano?" excited na tanong ni Jia kay Lhea.

"Freeze there!" sabi niya at pumalakpak palakpak pa.

"E nasaan dun ang manigas?" nakakunot na sabi ni Jia.

"Nandoon! Nandoon sa may brief ng mga lalaki." pairap na sabi ni Lhea kaya naman napangiwi ako.

"Luh! Bastos!" sabad naman ni Rose.

"Ang bastos ay ang taong naghuhubad. E hindi naman ako naghuhubad kaya hindi ako bastos." sabi ni Lhea at humalukipkip.

"Yung manigas... nandoon sa freezer. Lahat dun, makikita mo puro matigas." sabad naman ni Gwy kaya napailing na lamang ako sa mga pinagsasabi nila.

Mga baliw.

"Arrghh! Mga walang ambag sa lipunan!" inis na sigaw ni Jia kaya agad siyang tinaasan ng kilay ni Lhea.

"Bakit ikaw? May ambag ka sa lipunan? E puro nga kabitteran ang alam mo sa buhay e. Wala namang ambag yun." sabi ni Lhea kaya umalis na lang ako at bumalik sa pwesto ko.

Wala akong masyadong gana para pakinggan ang mga kalokohan nila.

Napatingin ako sa pinto ng marinig kong bumukas ito at medyo napatalon pa ako ng makita ko siya.

Ewan ko pero iba talaga ang hatid ng presensya niya sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi maisip ang pag-uusap namin kanina.

FLASHBACK

"W-What do you need, s-sir?" utal utal kong sabi at hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"Go to my office. We need to talk." sabi niya at agad na umalis sa harapan ko kahit hindi pa ako nakakasagot.

Kinakabahan man ay nagawa ko pa ring sumunod sa kanya. Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko dahil sa kaba.

Ano ba ang dapat naming pag-usapan?

Laking pasasalamat ko na nakarating ako sa loob ng opisina niya ng hindi nabubuwal sa pagkakatayo.

Halos hindi na kasi ako makapaglakad dahil sa labis na kaba na nararamdaman.

Pagkapasok ko ay naabutan ko siyang prenteng nakaupo sa swivel chair niya habang nakahalukipkip.

"Come here." sabi niya na sinunod ko naman.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya na ikinainis niya.

"Why are you walking like a turtle? Can you walk faster?" inis niyang sabi kaya iniwasan kong singhalan siya.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now