Chapter 16

3.7K 101 1
                                    

CHAPTER 16

Adira's POV

Mahigit isang linggo na rin matapos akong manganak. Malaki ang pasasalamat ko dahil hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko at ang pamilya ko.

"Adira, nasaan yung isang bote? Titiplahan ko na at mukhang nagugutom na si Zaine." sabi ni Akira kaya napalingon ako sa kanya.

"Ah! Nandun sa mesa sa kusina. Kunin mo na lang.  May nakatimpla na dun." sabi ko habang nag-aayos ng mga gamit nila.

Aaminin ko na mahirap maging isang ina pero kahit ganun ay nawawala lahat ang pagod ko tuwing nakikita ko lang ang mga anak ko.

"Adira, huli na 'tong gatas na 'to. Ubos na!" sigaw ni Akira sa labas kaya tinignan ko muna ang mga anak ko na mahimbing na natutulog. Dala kasi ni Akira si Zaine sa labas.

Kumuha muna ako ng pitaka bago tumingin sa salamin. Mapapansin mong medyo ang payat payat ko lalo na't kapapanganak ko pa lang.

Ng mapansin kong okay na ang itsura ko ay lumabas muna ako at naabutan ko si Mama at Akira sa labas.

"Ma.. Akira. Labas muna aki at bibili lang muna ako ng mga gatas at pampers nila. Kayo muna ang bahala sa kanila ah." sabi ko at tumango naman sila.

"Sige. Ingat ka ha. Kami ng bahala sa mga anak mo." sabi ni Mama kaya tumango ako at lumabas.

Medyo makulimlim sa labas at mukhang uulan ng makalabas ako.

Nakaleave pa rin ako sa opisina lalo na't kapapanganak ko kaya medyo kapos din ako sa pera. Pero laking pasasalamat ko at nandyan ang pamilya ko at sila ang pansamantalang tumutulong sa akin.

Though, may ipon naman ako pero hindi rin sapat.

Agad akong nagpara ng taxi at pumunta sa isang malapit na grocery store.

"Dito na po kuya." sabi ko sabay abot sa kanya ng bayad.

Pagkababa ko ay saktong bumuhos ang ulan kaya medyo nabasa ako ng konti. Buti ay nakatakbo agad ako papunta sa loob ng grocery store.

"Ano ba 'yan, wala akong payong!"

"Pakihanap ang pake namin."

"Bwisit ka. Hindi ikaw ang kausap ko. May pader oh. Hanggang dito lang." sabi nung isa at kunyari ay may harang na imaginary wall.

"E di wow." sabi nung isa pa.

Napailing na lang ako sa kanila at biglang naisip si Jia. Ganyan na ganyan din iyan kasi minsan.

Pero kahit ganun si Jia. Mahal ko yun. Siya nga rin ang isa sa mga dahilan kung bakit kahit papaano ay tumatawa ako sa kabila ng mga pinagdaanan ko.

Pagkapasok ko ay medyo nanginig pa ako dahil sa lamig ng aircon. Medyo nabasa kasi ako sa ulan kaya ganun.

Napatingin ako sa loob at medyo marami ang namimili ngayon lalo na't linggo.

Agad akong nagdampot ng push cart at nag-umpisang mamili.

Inuna ko munang pumunta sa mga gatas ng bata.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now