Chapter 14

3.6K 103 4
                                    

CHAPTER 14

Adira's POV

Pilit kong hindi mapahiyaw sa sakit dahil sa paghilab ng tiyan ko.

"Arrgh! Hoo! Haa! A-ang sakit!" hiyaw ko kaya mas lalong binilisan ni Zephyrus ang pagtakbo dahil siya ang may buhat sa akin.

"Bilis Zephyrus. Dalhin na natin siya sa hospital!" natatarantang sabi ni Akira at agad silang pumara ng taxi.

Agad kaming pumasok at sinabi ang lugar.

"Kuya, sa Latonio's Hospital po." sabi ni Akira.

"Arrggh! Ang s-sakit!"

"Ssh. Kalma ka lang, Adira. Magiging okay ka." pagpapakalma ni Jia sa akin.

"Hindi mo kasi nararamdaman ito, Jia! Ang sakit sakit hayup!" sigaw ko at hindi ko namalayang nakarating na kami.

Namalayan ko na lang na buhat buhat na ulit ako ni Zephyrus.

"Nurse, stretcher nga ho!"

Naramdaman kong nilapag nila ako sa stretcher.

"What happened?"

"Manganganak na ho ata siya, doc."

Naramdaman kong may pinasok sila sa private part ko pero hindi ko na pinansin pa dahil sa paghilab ng tiyan ko.

"Manganganak na nga siya. Bring her to the delivery room." rinig kong sabi nila at ramdam ko ang pag-andar ng kinahihigaan ko.

"Doc, pwede ho bang samahan ko siya sa loob?" tanong ni Zephyrus kaya tiningnan ako ng doctor.

Puno ng pagtataka ang mukha namin dahil sa inaasta ni Zephyrus lalo na't seryoso si Zephyrus nung sinabi niya yun.

"Sure."

Agad nila akong pinasok sa delivery room at naghanda ng mga gamit.

Umusal naman ako ng panalangin habang dinaramdam ang paghilab ng tiyan ko.

Please God, sana maging maayos ang lahat. Sana maging maayos ang pagdeliver ko at sana hindi magkaroon ng komplikasyon. Gabayan niyo kaming mag-ina sa delivery room. Amen.

"Okay misis. If I say push, push okay." sabi ng doctor kaya tumango na lamang ako.

"You can hold my hand and grip it. Hindi kita bibitawan. Hawakan mo ang kamay ko at sa akin ka kumuha ng lakas." seryosong sabi ni Zephyrus kaya kahit nagtataka ako sa inaasta niya ay tumango na lamang ako.

"Okay... 1,2,3 push."

"Arghhhh!" sigaw ko at humigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Zephyrus.

"Again. Push."

"Arggggghhhhhh!!" mahabang ere ko at halos maputulan na ako ng litid sa utak at leeg dahil sa pag-ere.

Paulit ulit ko lang iyong ginawa hanggang sa makarinig ako ng iyak ng isang bata.

"It's a boy." nakangiting sabi ng doctor kaya napangiti ako.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now