Chapter 10

4K 96 0
                                    

CHAPTER 10

Adira's POV

Isang linggo na ang nakalipas magmula ng malaman kong buntis ako. I'm pregnant from the child of a stranger.

Mahirap tanggapin nung una lalo na't hindi ko naman ito ginusto at wala pang ama. Pero narealize ko na walang kasalanan ang inosenteng bata na nasa sinapupunan ko.

Nagpapasalamat din ako dahil hindi nila ako pinabayaan. Todo alaga sa akin ang kambal ko at si Jia. Umuwi si Mama sa probinsya para may kasama si lola kaya ang kasama ko sa apartment ko ay si Akira.

Siya na ang nag-adjust sa amin dahil parehas naman kaming nasa Manila nagtratrabaho. Magkaiba nga lang ng pinapasukan.

Maayos din daw ang lagay ng anak ko na ikinapasalamat ko. Sising sisi rin ako na pinagsusuntok ko ang tiyan ko ng malaman kong may anak ako.

"Adira, punta tayo ng mall mamaya." aya sa akin ni Jia kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Huh? Anong gagawin natin?" takang tanong ko kaya naman napaismid siya.

"Alam mo minsan, Adira. Iniisip ko na ang tanga mo. Ano pa bang dapat nating gawin sa mall? Lumangoy?" puno ng sarkastiko niyang sabi kaya naman sinamaan ko.

"Alam mo rin minsan, Jia. Minsan bwisit ka." inis kong sabi sa kanya kaya naman tumawa siya.

"Ikaw kasi e. Oh siya, magfo-four na pala oh. Alis na tayo. Wala naman na tayong masyadong ginagawa dahil natapos na natin kanina pa." aya niya kaya agad akong nag-ayos ng gamit ng makita ko kung anong oras na.

"Uuwi na kayo?" tanong ng isang katrabaho namin kaya naman tumango ako.

Sasagot na sana ako ng biglang sumabad si Jia.

"Ay hindi. Papasok pa lang kami, Rhianne. Ang gaga nito. Malamang, uuwi na kami." puno ng sarkastikong sabad ni Jia kaya naman nakatanggap siya ng masamang tingin mula kay Rhianne.

"Tangina mo. Hindi ikaw ang kausap ko. May harang oh. May harang... may pader." irap na sabi ni Rhianne kaya naman hindi ko maiwasang hindi matawa.

Loka loka kasi itong si Jia palagi e. Kulang ata sa tornilyo. Sa susunod nga ay malibre ng tornilyo.

"Oh talaga? Sabi mo kayo kaya automatic na kasama na ako." sabi ni Jia kaya naman napailing ako.

Agad kong inayos ang gamit ko at nauna ng lumabas.

"Woi Adira, teka lang!" sigaw ni Jia kaya naman hindi ko na pinansin.

Narinig ko ang mga yabag niya at naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin kaya agad akong napalingon sa tabi ko. Sinamaan ako ng tingin ni Jia na hingal na hingal kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay.

"Oh... problema mo? Bakit ganiyan ka makatingin. Parang konti na lang ay papatayin mo na ako."

"Tsk! Alam mo, ang hilig mong mang-iwan. Iniwan mo na naman ako." sabi niya kaya naman umirap ako.

"Alam mo, hindi ako mang-iiwan, sila ang nang-iiwan sa akin. Mga hayop sila." sabi ko at bigla na lamang pumalahaw ng iyak.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now