Chapter 51

3K 71 1
                                    

CHAPTER 51

Adira's POV

Isang linggo na ang nakakalipas matapos naming umuwi dito sa probinsiya. Sa loob ng isang linggong yun, walang gabi na hindi ako umiyak dahil sa sakit na nararamdaman. Palihim at tahimik akong umiiyak dahil ayaw kong malaman nilang nasasaktan pa rin ako. Sobrang hirap nga lang dahil hindi ko malabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Naiisip ko pa rin kasi ang mga nangyari sa akin matapos kong maalala ang lahat ng nakaraan ko.

Alam kong masama ito para sa amin ni baby kaya naman ay nililibang ko na lang ang sarili ko sa ibang bagay para naman ay hindi ko palaging naiisip iyon. Pero... sa tuwing gabi nga lang, hindi ko maiwasang maisip yun. Tuwing hihiga ako at titingin sa kisame ay manunumbalik sa akin ang mga masasaya at masasakit na alaala. At kapag nagsama yun ay saka ako maiiyak at hindi ko na mapigilan.

Saksi ang mga unan ko sa mga luhang lumalabas sa mata ko. Sa gitna ng dilim at tahimik na gabi ay nandun ako habang tahimik na umiiyak at ninamnam ang sakit na aking nadarama.

Ang labis ko lang ding pinagtataka ay sa loob ng isang linggo na yun ay hindi man lang nagparamdam si Zion na siyang hindi ko inaasahan. Akala ko.. bibisitahin niya ang mga anak namin lalo na't binigyan ko siya ng karapatan na bisitahin ang mga anak ko. Ilang beses din akong tinatanong ng mga anak ko pero ang tanging nasasabi ko na lang ay baka busy lang sa trabaho ang kanilang ama.

I doubt that.

Baka busy siya sa babae at baka nga nagkabalikan na sila nung Tracy na yun, lalo na ngayon ay hindi na kami magkasama. Nagagalit lang ako sa sarili ko dahil, sa kabila ng mga naiisip at nararamdaman ko, hindi ko pa rin maiwasang hindi umasa na pupunta siya dito.. na bibisita siya dito.

Dapat nga ay galit ako sa kanya at ayaw ko siyang makita pero kabaliktaran naman ang nararamdama ko.

Napatigil ako sa pag-iisip ng may biglang tumabi sa akin. Pagkatingin ko ay nakita ko si Akira na nakatingin sa akin habang may tipid na ngiti.

"Are you... okay now? Don't lie to me." sabi niya kaya naman tipid akong napangiti sa kanya at tumingin sa mga anak ko na kasalukuyang naglalaro.

Napangiti ako dahil kahit papaano ay nalilibang at masaya ang mga anak ko sa kabila ng nangyari sa amin ni Zion. Hindi ko alam kung may alam ba sila sa nangyayari pero ganun pa man, ang importante ay masaya sila kahit na hindi nila nakakasama ang ama nila.

"Honestly, nasasaktan pa rin ako tuwing naiisip ko ang mga nangyari sa akin. Pero, unti unti ko rin naman nang tinatanggap ang mga nangyari sa akin. Alam ko naman na ako lang ang may kakayahang mawala ang sakit na nararamdaman ko pero syempre, kailangan ko pa ng oras at panahon para tuluyang maghilom ang sugat sa puso ko. Wala naman ding ibang choice para mawala ito at maging okay ako bukod sa tanggapin ito. Pero.. naiinis lang ako sa sarili ko dahil may parte sa puso ko na hinihintay ko siyang pumunta dito.. para mag-explain, para suyuin ako, para humingi ng tawad, at pagsikaping kunin ang kapatawaran ko. Umaasa ako pero diba dapat galit ako sa kanya? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Nakakainis." sabi ko at hindi ko maiwasang mapaluha kaya agad akong niyakap ni Akira.

"Nararamdaman mo 'yan dahil kahit ilang beses mong sabihin na galit ka sa kanya, mas nananaig ang pangungulila at pagmamahal mo sa kanya. Ganyan naman talaga kapag sobrang mahal mo yung isang tao e, kahit na gaano pa kasakit ang ginawa niya sayo, hindi nun kayang bawasan ang pagmamahal mo sa kanya." sabi ni Akira.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now