Chapter 48

2.6K 70 2
                                    

CHAPTER 48

Adira's POV

FLASHBACK

May dala akong cake nun para sana sa anniversary namin ni Justin. Balak ko sana siyang surpresahin pero kabaliktaran ang nangyari. Ako ang nasurpresa dahil may katalik lang naman siya habang ako... nung mga oras na yun ay nag-aalala dahil hindi man lang siya sumasagot sa mga tawag at text ko. Yun pala, may ginagawa na siyang kababalaghan sa likod ko.

Sobrang sakit ang naramdaman ko ng mga oras na yun dahil minamahal ko siya ng lubos samantalang siya, siya pala ang dudurog sa puso ko.

Sa sobrang sakit na naramdaman ko ay nagdesisyon akong pumunta sa isang bar para lunurin ang aking sarili sa alak. I want to remove this pain in my heart... just this day. Tinungga ko ng tinungga ang alak hanggang sa mag-umpisa ng umikot ang paningin ko.

Naalala kong may tumabi sa akin nun kaya naman ay umalis na lang ako sa pwesto ko at pumunta sa dance floor para makisabay sa mga nagsasayawan dun. Naalala ko rin na may natamaan ako nun dahil sa galit ko kaya naman nagalit ito sa akin. Pero kahit ganun, pinagpatuloy ko na lang ang pagsayaw hanggang sa biglang pumulupot na braso sa baywang ko. Hindi ko na alam kung ano pang nangyari hanggang sa magising na lang ako sa isang estrangherong silid.

"WHO THE FUCK ARE YOU?!" sigaw ng isang lalaki na siyang nagpabalikwas ng bangon sa akin.

"I SAID, WHO THE FUCK ARE YOU?!" sigaw nito ulit sa akin at nakita ko ang isang lalaki na nakatopless.

Napaatras ako nun pero nagulat ako ng maramdaman kong wala akong saplot. At sa mga oras na yun, alam kong nawala na sa akin ang pinakaiingatan ko. Hindi ko maiwasang hindi mapaluha dahil sa katotohanang, wala na ang pinakaiingatan ko.

Sobrang nasasaktan ako dahil pinagtaksilan na nga ako ni Justin, nawala pa ang pinakaiingatan ko. Parang dinaya ako ng mundo. Pero hindi ko akalaing madadagdagan pa ito ng dahil sa mga sinabi nitong lalaking ito.

"Isa ka ba sa mga gustong makakuha ng pera ko dahil isa akong youngest trillionaire in the world huh?!" sabi niya.

Anong tingin niya sa akin.. mukha akong pera? For his fucking information, kaya kong mabuhay ng hindi kinakailangan ang pera niya. I can provide for my own.

Pero mas nainsulto at nasaktan ako ng itapon niya sa mukha ko ang ilang libong pera. Nasaktan at nainsulto ako dahil sa ginawa niyang pagtapon ng pera. Hindi ako pinalaki ni mama para lang insultuhin ng ganito. Yes, we're not rich but we don't care.. as long as we're happy and we're still alive. That's what matters.

At dahil hindi ako papayag na mainsulto ng ganito, sinampal ko siya na ikinapula ng pisngi niya. Matapos nun ay tumakbo na ako palabas na punong puno ng sakit na nararamdaman.

Napaiyak na lang ako dahil pumunta ako sa bar para kahit papaano ay makalimot sa sakit na nararamdaman ko pero hindi ko akalaing madadagdagan pala ito ng dahil sa pag-inom ko. Labis tuloy akong nagsisisi pero alam kong wala na akong magagawa kundi tanggapin ito at magmove forward.

At dahil sa nangyari, hindi ko alam na may mabubuo. May mabubuong bata. Hindi pa ako handa at hindi ito ang inaasahan kong mangyayari sa akin. Hindi ko tanggap na magkakaanak na ako at wala pa itong ama.

"Hindi! Hindi iyan totoo! Sabihin niyo na hindi iyan totoo! Nagjojoke lang kayo diba?!" sigaw ko matapos sabihin sa akin ng doctor na kaya ako nagcollapse ay dahil buntis ako.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now