Chapter 25

3.5K 96 8
                                    

CHAPTER 25

Adira's POV

"Mommy, bilis na po. Anong oras na po oh." sabi ni Zaine na ngayon ay bihis na bihis na.

Linggo kasi ngayon at naghahanda kami para pumunta sa simbahan.

"Wait baby. Inaayos ko lang 'tong sintas ng kuya mo."

Matapos kong maayos ang sintas ni Zion ay agad na akong tumayo.

"Iyan, tara na."

"Yehey!" sigaw nila kaya napailing na lang ako.

Agad kong kinuha ang shoulder bag ko at ang cellphone ko.

Pagkarating ko sa labas ay agad kong nakita ang tatlong anak kong naghihintay sa akin.

Napailing na lamang ako dahil sa kaexcitement nila.

"Excited na excited talaga kayo ah."

"Oo naman po, Mommy!" masaya nilang sabi kaya naman nilock ko na ang bahay namin at agad silang binalingan.

"Let's go."

Mag-aabang na sana kami ng taxi ng biglang may pumaradang pamilyar na kotse sa harapan namin.

Unti unti niyang binaba ang salamin ng kotse niya at bumungad sa akin si Zephyrus.

"Hey! Mukhang may lakad ata kayo ah." sabi niya at bumaba ng kotse.

"Opo tito daddy! Magsisimba po kami nila Mommy." masayang sabi ni Zander kaya naman ngumiti si Zephyrus at ginulo ang buhok ni Zander.

"Really?"

"Opo. Gusto rin po kasi naming magthank you kay Papa Jesus dahil pinagaling niya po si Mommy namin. Dininig niya po ang panalangin namin." sabi ni Zion kaya naman taka akong tinignan ni Zephyrus kaya napalabi ako.

"Pinagaling?"

"Nilagnat po kasi si Mommy nung magkakasama kami kahapon." sabad ni Zaine kaya agad na lumapit sa akin si Zephyrus at agad na hinawakan ang noo ko.

Medyo napaigtad pa ako dahil sa gulat. Ramdam ko ang libo libong boltaheng nanggaling sa kamay niya.

"Are you feeling better na? Why you didn't call me?" tanong niya at bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Lagnat lang naman iyon."

"Still. You should call me or anyone." sabi niya kaya taka ko siyang tinignan.

Kahit kailan ay napakaweird ng lalaking ito.

"Ang weird mo talaga." hindi ko maiwasang komento sa kanya.

Agad naman siyang nag-iwas ng tingin at binuksan ang pinto ng kotse niya.

"Pasok na kayo. Ihahatid ko na kayo." sabi niya at agad na pumasok ang tatlong bulilit sa kotse.

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now