Chapter 19

3.6K 90 5
                                    

CHAPTER 19

Adira's POV

"Adira! Malalate na tayo! Bilisan mo na diyan! Huwag ka ng magpaganda dahil kahit anong gawin mo ay mas maganda pa rin ako!" sigaw ni Jia sa labas kaya napairap na lang ako sa kanyang sinabi.

Sinong niloko niya?

Inayos ko lang ang buhok ko at nag-apply ng konting liptint para hindi ako magmukhang pale masyado.

Pagkatapos kong maayos ang itsura ko ay agad kong kinuha ang shoulder bag ko at isinukbit sa balikat.

Sabay kasi kaming papasok ngayon sa opisina. Syempre, kailangang kumayod lalo na't single mom.

Pagkababa ko ay agad na bumungad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Jia habang nakahalukipkip.

"Ang tagal mo naman! Alam mo bang bawal paghintayin ang mga magaganda?" tanong niya kaya inirapan ko siya.

"Maganda? Ikaw? E mukha ka ngang paa." sabi ko at narinig ko ang bungisngis nila Mama.

"Payag ka nun? Ginaganyan ka lang?" sabad naman ni Akira.

"Hoy! Anong mukhang paa! Sa ganda kong ito! Marami kayang nagkakagusto sa pagmumukhang ito!" sabi niya kaya naman humalukipkip ako at saka siya tinignan.

"Oh talaga? E nasaan na ang mga taong iyon?" tanong ko at umirap naman siya.

"Syempre wala na! Alam mo, hiniling ko na sana mapunta ako sa tamang tao pero... sa taong may tama kasi ang ibinigay sa akin. Bwisit!" sabi niya kaya naman natawa kami.

Kahit kailan talaga ito.

"Alam mo, Jia. Kaya hindi ka siniseryoso kasi ganiyan ka e." naiiling na sabi ni Akira kaya naman napaismid si Jia.

"If they really love me, they should accept me. They should accept and love my flaws and imperfections. Ganun ang pagmamahal." sabi niya kaya naman napatango ako.

"I agree."

"Wow. Ang lalim ah. Saan mo iyan nakuha?" tanong ni Mama at taas noo namang sumagot si Jia.

"Sa wattpad! Hahahaha!" tawa niya kaya pati ako ay natawa.

"Oh siya. Pumasok na kayo at baka malate na kayo." sabi sa amin ni Mama kaya tumango naman ako.

"Kayo muna po ang bahala sa mga anak ko Ma ah!"

Tumango naman si Mama at ngumiti sa akin.

"Syempre naman anak."

Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Thank you, Ma. Thank you for everything. Thank you at hindi niyo ako pinabayaan. I really owe you a lot." sabi ko at tinampal niya ng mahina ang braso ko.

"Ano ka ba anak. Syempre anak kita kaya hindi ko magagawang pabayaan ka. Kaya wala kang utang sa akin. Makita lang kitang masaya at maayos ay masaya na rin ako bilang isang nanay."

Hiding The Trillionaire's Triplets ( Completed )Where stories live. Discover now