AKIKO'S POV
Napahimbing yata ang tulog ko. Gusto ko pang matulog pero namulat ko na ang mga mata ko eh. Kinakapa ko yung kama.. sa kanan, sa kaliwa, sa bandang headboard, pero nasaan na yung phone ko? Anong oras na ba? Makabangon na nga lang para makita ko yun.
Whaaat?! Panong??? Nandito ako sa kabilang kwarto na pinahiram ko kay????
OMG! Nagtabi kami kagabi? Bakit hindi ko alam? Ang huling pagkakaalam ko ay....
**flashback**
"Akiko.." tawag sakin ni Marc bago pa ako makahakbang palabas ng pinto. Lumingon ako para malaman kung anong itatanong niya or sasabihin sakin.
"Can we talk before you sleep? Just a minute, please. I can't sleep." pakiusap niya.
Syempre pinagbigyan ko siya. Kaya lumapit ako sa tabi niya. Alangan naman siya pa lumapit.
"About what?" tanong ko sakanya.
"Ahh.. About...." pautal-utal niyang sabi. Ang tagal niya bago makapagsalita kaya inunahan ko na siya.
"Yah. I got it. I don't want to assume but it's about the party kanina? and sa text?" sagot kong nakakaloko sakanya. Alam ko assuming pero I got the feeling na it's about that.
"Y...Yes.. I'm sorry. I'm really sorry. I just want to say... I... I care for you. And the kiss... I...." sabi na yun yun e!! OMG. wag mo na banggitin yung KISS! Nakakahiya talaga!
"I understand. Di ako galit or whatever you're thinking. Matulog na tayo, maaga pa ako sa school." bigla ko nalang sabi sakanya. Gusto kong umiwas at matulog na lang. Tumayo na ako pero hinawakan niya yung kamay ko. Nakuryente ako!
"Thanks. Goodnight." pasalamat niya sa akin. Di na ako sumagot, ngumiti na lang ako sabay labas sa kwarto.
Pagtingin ko sa orasan, alas-dos imedya na ng madaling araw. Nawala yung antok ko. Kaya umupo muna ako sa sofa at nanood ng TV. Alam kong maganda kasi mga palabas sa HBO pag ganitong oras, lalo na yung mga horror. Favorite ko kasi manood ng mga ganun. HAHA!
**end of flashback**
Ayun. Ayun lang ang natatandaan ko. Wait! Bakit hindi ko natandaang pumasok ng kwarto????
Agggghhhhh!! >.<
Di naman ako uminom mag-isa dun sa sala para di ko maalala yung gabing yun. At lalong hindi ako nakulto kasi di naman mabigat yung katawan ko paggising ko.
Whaaaahhh!!
Wait nga, makalabas nalang nang malaman ko ang nangyari. Pero paano? E wala na nga ako kasama dito diba? E nasaan kaya si Marc? Baka umuwi na siya kasi may pasok pa mamaya eh.
Pagbukas ko ng pinto, may naaamoy ako. Ang bango! Ang sarap! Nakakagutom naman!
Don't tell me.. Mom's here!! Oops, as if naman marunong magluto yun!
Tumungo na ako sa sala. Nagulat ako sa nakita ko! May lalaking nakatalikod at nagluluto sa kusina? Tapos may mga nakahanda na ibang pagkain sa mesa.
"Ehem..Ehem.." umubo ako kunwari para lumingon siya.
"Oh. Gising kana pala Akiko. Kain kana dyan. Tapusin ko lang tong isa!" humarap siya sakin nang nakangiti pero isang pitik-sintas lang kasi focus siya dun sa niluluto niya. Si Marc. Oo, siya nga yun. Kita ko parin sa muka niya yung band-aid sa gilid ng labi niya.
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Teen Fiction"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)