Chapter 1: My Gorgeous Day

302 0 0
                                    

♫Playing "Diamonds" by Rihanna♫

Shine bright like a diamond..

Shine bright like a diamond..

♫Continue Playing..♫

AKIKO'S POV

"I'm so fab in red!!" laking gulat ko nang nakatitig sa salamin habang suot ko ang isang napakagandang red dress na noo'y atat kong suotin. Favorite ko talaga ang RED, sabi kasi nila it means LOVE. Pero para sakin, it means GORGEOUS. Haha wala lang. Pero dati naalala ko, kapag nakikita ko yung red, naiiyak ako.. It means a lot to me - BLOOD. HATRED. Basta ganun!! Hayss..

"As what I've told you friend!" sagot naman ni Geline. Actually, si Geline ang nag-suggest nitong dress na susuotin ko, total marunong naman siya pagdating sa fashion kaya sinunod ko sya. Naalala ko pa tuloy nung una kaming nagkita ni Geline.

*****Flashback*****

Habang nasa SM ako't namimili ng damit para sa highschool prom night namin..

"Hmm.. Black kaya? Kasi sabi ni mommy ko maganda daw yung black pang night gown.." tanong ko sa sarili ko habang tinititigang mabuti yung hawak kong black gown.

"Miss, may iba pa ba kayong size nung.. uhmm..hawak nya?" tanong ng isang babae sa saleslady habang tinuturo yung hawak kong gown.

"Yes ma'am, ano po ba size na gusto niyo?" sagot ng sales lady.

"Ahh.. excuse me lang miss ha? pwede patingin ng hawak mong gown?" tanong sakin ng babae habang kinuha nya ng dahan-dahan yung hawak kong gown. Grabe tong babaeng to, wala talagang kahiya-hiya. Kung ako yun, hihintayin ko munang matapos yung isang tumingin bago ako. Syempre ako nauna diba?

"Pwede ba yung sumunod na malaki pa dito..yung cup size nito kasi maliit lang to oh." aba't pamuka ba naman sakin na mas malaki ang hinaharap niya kaysa sakin, sabay tingin sa dibdib ko. Insecure ka te? Ang sabihin mo, mataba ka kasi!!

"Okay po ma'am, wait lang po," sagot ng saleslady at umalis na ito para i-check kung meron. Naku, sana wala na! At teka lang, bakit iyong hawak ko pang gown ang pinagdiskitahan nya? dami nman dyang iba oh!!

At kung sakali mang merong size para sa hinahanap niya at kunin nya ang black gown na yun, minabuti ko nalang na maghanap ng iba. Ayoko kasing may kapareho akong shopper na yun din ang bibilhin. Hayss. "Eto kayang red? Kaso.." bulong ko sa sarili ko pero parang narinig padin ng babae kung kaya't naudlot yung pagbubulong ko nang..."Ay te! Ayan maganda sayo yan, maputi ka kasi e. For sure, lalabas ang kaputian mo! Mark my word, sis!" biglang sabi ng babae sakin habang nakangiti na parang matagal na kaming close dahil sa pagtapik niya sa braso ko at tinawag pa niya akong 'SiS' ha. Teka nga, bakit ba siya pakialamera? kanina pa sya ah!!

Tinitigan ko siya from head to toe..Natigilan siya sa pag-ngiti na parang may katanungan sa isip niya kung bakit ako nakatingin sakanya nang parang may sungay ako sa ulo at umuusok na ang ilong.

At para makabawi siya dahil sa pagiging pakialamera niya..."Girl, para sa prom yan noh? Gusto mo ayusan kita. Oops, di naman kita pipilitin. Basta heto calling card ko.. I'm a freelance fashion designer, make-up artist & hair stylist." Ayos ha, parang all-around lang sa parlor!!

Ngumiti lang ako't umalis narin dahil naririndi nako sa kaingayan nya, parang palengkera!

"Wait lang, kaw naman! Ako nga pala si Angeline Torrefuente..A.K.A. Geline, Lyn, Angge, Gelai...." hinabol ako't nagpakilala siya. Halos lahat na ng pwedeng i-nick name sa pangalan niya, binanggit na niya kaya pinaudlot ko na baka di pa matapos! "Akiko" pakilala ko din sakanya habang inabot ko ang palad sakanya.

Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon