See pic of Geline & Hans in Multimedia >>>>>>>>>>>>>>>
Moment kasi nila ang chapter na ito! =)
--------------------------------------------------------------------------------------------
GELINE’s POV
Naguguluhan ako kay Hans. Masyado siyang nangingialam ngayon sa buhay ni Marc at Akiko. Kung sabagay, bestfriend niya si Marc..bestfriend ko din si Akiko. Ayoko ding masayang ang pinagsamahan nilang dalawa.
“Sige na nga. Mamaya kakausapin ko si Marc habang wala si Akiko.”
I just decided na kausapin si Marc. Pagkaalis nila Akiko, agad din akong umalis ng apartment. Si Hans naman kakausapin si Akiko bukas, pero ngayon si Roxanne muna daw ang kakausapin niya.
To: Marc Buenavista
Marc. Magkita tayo. We need to talk. Thanks.
MESSAGE SENT!
Tinext ko na si Marc. Hayss, to be honest…di ko talaga alam ang sasabihin ko basta bahala na. Susundin ko nalang sinabi ni Hans. Pero bestfriend ko pa din si Akiko. Uggghhh! Bahala na talaga!!! Grrrrr..
Tumunog yung phone ko. May nagtext. Baka nagreply na si Marc.
MESSAGE RECEIVED
From: Marc Buenavista
Sure. I’ll pick you up then. See you!
Tsss. Pick-up pang nalalaman. Sige na nga.
Maya-maya’y may narinig na akong isang car engine. Si Marc na iyon. Kahit kailan talaga, ang bilis ni Marc.
Lumabas ako para tignan kung siya na nga iyon.
Ayyy… Hindi naman pala.. Iba yung kotse.. Kasi Black Tucson yung gamit ni Marc eh.. Babalik na sana ako sa loob nang may tumawag ng pangalan ko.
“Geline!” sigaw niya. Lumingon ako sa kinaroroonan ng boses. Kakalabas lang niya ng driver’s seat. Sino naman iyan? Impeyrnes, gwapings..naka-shades pa!!
Tinanggal na niya yung shades niya…Ayyy…Si Marc pala. Siya nga.
Nge. Bakit iba yata ang kotse niya ngayon. Mas astig huh. Hehe..
“Ikaw pala. Iba kasi yung dala mong kotse. Bago?” nakiusisa pa talaga ako diba? Hehe..Papalapit na ako sa kotse niya.
Ngumiti lang siya at papasok na siya sa driver’s seat. “Tara na.”
Syempre pumasok nalang ako sa front seat at napangiti nalang.
“So what about it Geline?” tanong niya na akmang nakatingin sa akin habang naka-red pa ang stoplight.
Di ako makatingin sakanya kasi naman hindi ko naman talaga alam ang sasabihin ko. Iniba ko nalang yung usapan.
“Alam mo hindi pa ako naglalunch. Dun nalang tayo mag-usap okay. Hehe.” Natatawa pa ako sa mga palusot ko. Tsss. At alam kong natatawa din siya.
Nakarating na kami sa isang restaurant. Steaks Unlimited. Wow. Unli ang kain ko dito! Yey!! Ito yung nakita ko sa munchpunch.com na gusto kong kainan. Hehe.. Galing talaga ni Marc, dito pa ako dinala. Pero uy! Di ko inaagawan si Akiko. This is just a friendly date. Haha.
“Ah, Chicken Steak Mediterranean. Punta ka lang dito kuya mamaya. Unli rice diba? Hehe.” Sabi ko sa waiter. Napatingin ako kay Marc, natatawa na siya. Bakit ba?? HAHA!
![](https://img.wattpad.com/cover/3383464-288-k99230.jpg)
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Teen Fiction"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)