GELINE's POV
Masaya talaga ang araw na ito para sa akin. Ang haba talaga ng hair ko. HAHA! Basta, e kasi naman itong si Hans e. Nag-aya siya na sumama ako dito sa Porac, yun nga lang syempre kasama pala sila Akiko and yung mga kabanda nila. Pero oks lang, as long as nakikita ko siya. =D
Ang pinakagusto kong moment sa lahat, e yung niyaya ako ni Hans sa seaside ng resort na ito.. Kung ang iba ay sa seaside ng MOA nagdedate pero madaming tao, kami naman dito sa seaside ng resort na kaming dalawa lang. O diba..Hehe.
"Ang lamig naman pala dito. Buti pa sa sea side ng MOA, sakto lang." sabi ko.
"Here." sabay hubad ng black leather jacket niya at inilagay niya sa likod ko at halos yakapin na niya ako sa ginagawa niya. Wooshoo.
"Thanks." sabi ko.
"Alam mo bang sa tuwing nakikita ko yung malawak na dagat na ganito, malalim lagi ang naiisip ko." bigla niyang sabi sa akin. And so?
Napatingin siya sa akin sabay nagsalita, "Naiisip ko yung family ko, buhay ko. Pati nga ikaw eh."
Huh? Pati talaga ako? Why? Hehe.
"Ha? Bakit pati ako nasama dyan sa utak mo!" tanong kong nakakaloka!! Napasigaw tuloy ako.
"Relax. You're just special to me. I mean, naging part kana din kasi ng buhay ko." natatawa niyang sagot pero naging seryoso ang muka niya nung banggitin niya yung NAGING PART KANA NG BUHAY KO.
Whhhheeeehhhh? Saan banda? Sa tragedy ng buhay mo? HAHA.
"I know. Comedienne kasi ako ng buhay mo. Hehe." natatawa kong sagot. Oo, nakakatawa kasi ako at masayang kasama kaya nasasabi niya yun ngayon.
"Yes, exactly." sabi ko na ba eh!!!
Pero bigla siyang tumingin sa akin ng nakakatunaw at nagsalita, "You always makes me happy and yun ang nagustuhan ko sa'yo. No one has ever make me feel myself happy. But you, you do. Geline...."
Teka, english yun. Di ko maabsorb.
"Ah.. eh.. tutugtog na yata kayo oh.. Anong oras na ba?" iniba ko yung usapan. Tumingin ako sa relo pero maaga pa pala kasi 7:30 ang gig nila. Wala pang 7pm eh. Hehe..
Iniangat niya yung ulo ko with his fingers touching my chin habang nakatingin pa din ako sa relo ko. Di ako makatingin sakanya ng derecho eh.
"I really like you. And I love you. Will you be my girlfriend?"
BOOOOOOOOOMMMMM!!!
Si Hans ba yung kaharap ko? And he's asking me to be his girlfriend?
"Oo naman. Girlfriend lang pala e. Ayyy!! Girlfriend??? Ahh...Friend, right? Hehe.. Tama..friend.." nagulat naman ako sa bigla-bigla kong pag OO!!! Nabingi kasi ako sa sinabi niyang Girlfriend. Friend lang kasi narinig ko. HAHA!!
Ang weird ko naman. Magtatanong ba yun na friend lang? E friends naman kami ever since diba? Tsss..
"Haha. Pinapatawa mo talaga ako lagi. I mean, girl-boy relationship, commitment, like Akiko-Marc relationship. Something like that." paliwanag niya. Nkakahiya tuloy, parang napaka-naive ko naman sa mga kilos ko. Hehe.
"Ah. Yun ba? Pasensya na. Slow eh. Hehe. Kasi ano eh.. Ah ganito kasi yun.. " natetense na yung pagsasalita ko. Di ako mapakali!!!
"Di naman kita minamadali e. I'll wait for your positive answer. Tara kain tayo." sabi niya nang nakangiti. Whooo. Nakahinga ako nang malalim dun ah. Buti nalang kakain na kami, gutom na ako eh.
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Teen Fiction"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)