MARC’s POV
Sh**! Bakit ko ba kasi yun nasabi! At sa harapan pa ni Akiko! Ugh! Bigla kasing umakyat ang init ng dugo ko kay Roxanne! Ayokong nakikitang nasasaktan ang mahal ko. Yan tuloy nag-walk out siya.
Sinundan ko siya. Hanggang sa….
Saan na siya?
Bakit ang bilis niyang maglaho?
Hindi ko na siya makita..
Ang tanging napansin ko nalang sa paligid ay ang pagkukumpulan ng mga tao sa tapat ng ospital.
Ayokong makiusyoso sa usapan nila dahil kailangan kong hanapin muna si Akiko. Papaliwanag ko sakanya ang mga narinig niya.
Lingon sa kanan..sa kaliwa…sa likod..halos umikot na ng 360 degrees ang paningin ko para lang makita siya pero para bang may humihila sa akin papalapit sa mga taong nagkukumpulan na nasa harapan ko.
May mga tao akong nakakasalubong habang papalapit doon.
“Ano pong nangyayari doon?” tanong ng babae sa lalaking pabalik na ng ospital.
“May nasagasaan dun. Sige ha, ipapaalam ko lang sa nurse station para makapagpadala sila ng stretcher doon.”
Nakatulala lang ako sa kanila habang nag-uusap.
Bakit ba ako naaapektuhan? Mukang kinukutuban ako. Diyos ko! Wag naman sana. Sana mali ang nasa isip ko ngayon..
Pansin ko ang hectic actions ng mga tao sa paligid. Parang ako lang yung nakatayo, hindi makagalaw, yun bang huminto ang oras ko pero sila patuloy lang sa paggalaw.
Isa lang ang umagaw ng atensyon ko..
Ang papalapit na lalaking buhat ang isang duguang babae.
Nagiging slow motion ang paningin ko. Habang papalapit ang lalaking iyon, bumungad sa paningin ko ang magandang muka ng babaeng iyon kahit puno pa siya ng dugo..
Nang malapit na sila sa kinatatayuan ko, palapit din ng palapit ang muka na iyon..
Akiko.
Yun agad ang sinabi ng utak ko nang lumagpas na sa kinatatayuan ko ang lalaking iyon.
Sh**! Tama nga ang iniisip ko kanina..!
Napalingon ako sa likuran ko at hanggang ngayon hindi ko pa rin maikilos ang aking katawan para tumakbo pabalik muli sa ospital.
Naramdaman ko nalang na may humihila sa akin.
“M-marc!! Ano ka ba!! Si Akiko iyon! Si Akiko!! Halika puntahan natin! Oh my God!! Di ko sinasadya.. Oh my God!! Dahil sa akin..dahil sa akin..Di ko alam!”
Natigilan siya sa paghila ng braso ko dahil nagkaroon siya ng kahinaan. Humahagulgol nalang siya sa kakaiyak.
Natauhan ako. Naramdaman ko nalang na ang kaninang nagtitimpi kong mga luha ay nailabas ko na. Agad akong tumungo sa loob ng ospital at sumunod sa emergency room.
Gusto kong sundan si Akiko sa loob pero may humarang sa akin na mga nurse sa harapan ko. Sumarado ang pinto ng room at pilit ko iyon pinaghahampas at nagmamakaawang buksan iyon dahil kailangan ako ni Akiko doon sa loob.
Naramdaman kong may humihila sa akin. Pero hindi ko iyon pinansin. Nagpupumiglas ako habang pinipigilan niya ako, hanggang sa nasuntok ko na ang pader. Binuhos ko lahat ng galit ko, sama ng loob at pagsisisi.
Napaupo nalang ako sa sahig malapit sa room na iyon. Napahawak ako sa aking ulo. Gusto ko nang basagin ang bungo ko dahil napakasama ko..napakasama kong boyfriend sakanya..napakaselfish ko..at higit sa lahat napakatanga ko!
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Teen Fiction"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)