First Day of School...
AKIKO'S POV
Bakit ganito ang mood ko ngayon - malungkot, tulala. Kung tinitignan siguro ako ngayon ng isang pintor, di niya maipipinta ang muka ko ngayon. Ang tangi ko lang ginagawa ngayo'y laruin itong hawak kong ballpen na parang nagmemajorette habang nakatitig sa white board na wala namang sulat.
Naiisip ko kasi ngayon yung mga nangyayari sa buhay ko - sa nakaraan, lalo na sa lovelife. Bitter pa din ba ako hanggang ngayon dahil sa mga kasalanan ko sakanila? Hindi. Konsensya yata tawag dun.
Nawala sa isip ko ang pagmumuni ko nang bigla akong tapikin ni Geline sa braso at tila pilipitin na ang buong ulo ko para lumingon ako sa gawing kanan ko. Narinig ko ang bulong ng pananalita ni Geline sa kaliwang tenga ko. "Guess who's here, friend. Your prince charming..sa Santacruzan" sabi niya sakin habang ako'y napalingon na lang dahil sa mahigpit na paghawak ni Geline sa ulo ko. Tila isang anghel na pinababa ng langit ang nakita ng mga mata ko. Ano bang nangyayari saki't anghel ang nakikita ko? Yun pala si Marc. Whaattt? Si Marc? Nasa classroom namin? Anong ginagawa niya dito? Malamang classmate namin siya, alangan naman professor, e ang bata pa kaya niya tignan.
"Absolutely, Wonderful! May kapartner ka na friend. Kasi ako, simula palang kanina pagdating ni...Hans, alam kong...we're meant for each other. And so you are, too." sabi sakin ni Geline habang kinikilg na nakatitig kay Hans na halos katabi ko kasi one seat apart lang naman.
"Hey, Dude! Come over here. What's up bro?" sigaw ni Hans sakanya at mukang itinuturo niya yung seat na katabi ko, walang nakaupo. Nag-abutan sila ng palad at tila mag-jowa kung magyakapan. Yuck!
"Hey! I'm good. Wala pang prof?" bati ni Marc kay Hans habang nagmamasid sa buong classroom hanggang namataan kong bigla siyang napatingin sa kinauupuan ko. Shocks, ayan na! Natatandaan padin kaya niya ako after a month ago?
"Obviously, wala pa bro! As usual, pag first day, walang prof! Di kaba nasanay!" sagot ni Hans sakanya pero di na sya pinansin ni Marc kasi nga napatingin na siya sa kinauupuan ko!
"Ohh. Heyy! It's good to see you again...Rox." bati niyang akala ko'y sa akin. Napatingin tuloy ako sakanya sa bati niyang yun, peron nung narinig ko yung Rox napayuko nalang ako. Pahiya much!
"Ohh..Heyy Marc! Same with you! So how's the vacation?" bati din sakanya nung babaeng Rox ang pangalan. Tumayo siya at lumapit kay Marc na parang sineseduce niya ito. Ewww. "It's good." maikling sagot sakanya ni Marc. Samantalang ako, nakaupo habang nakikinig sa mga tawanan nila. Mukang magkakatropa na talaga sina Marc, Hans at Rox simula noon, kasi super close talaga sila sa isa't isa.
Maya-maya'y nagkaroon na ng biglang katahimikan sa classroom. Dumating na yung prof namin. Si Prof. Stanley Avila. Batang-bata pa siya para maging prof. Nice-looking guy. Hearthrob yata to nung nag-aaral pa siya. Gwapo talaga, di ko maiwasang tumitig sa mga makinis niyang muka at sa tamis ng kanyang mga ngiti. Napalingon ako bigla kay Marc, kasi matamis din ang mga ngiti niya. Pareho sila ng karisma. Karisma ba? :D
"Goodmorning guys. Sorry to attend this class too late, the faculy had our first meeting. By the way, I'm Mr. Stanley Avila, your computer programming instructor for this semester. Since this is our first day of school, I just want you guys to introduce yourselves so I could know you well & better. Let's start with you." bati at pakilala samin ni Sir Avila. Naku, INTRODUCE YOURSELVES nanaman? Nung elementary pa ko niyan uh.. Kinakabahan tuloy ako.. Tinuro na niya yung classmate naming nasa gawing kanan sa harapan. OMG malapit na agad ako? Kasi nasa second row lang ako nakaupo, pero mauuna sakin si Geline.
Natapos na ang lahat ng nasa harapan. Second row na. At si Geline na! "Hi sir, hi classmates. I'm Angeline Torrefuente. I'm a shy person so don't expect me to introduce more about me. Hehe." pilyong pakilala ni Geline, kapal talaga ng muka nito, nagpatawa pa. Buti nagtawanan silang lahat, ako lang hindi natawa kasi kinakabahan na talaga ako. I'm next!
"Ahh.. Hi... I... I'm.. Akiko Tamara... I'm glad to meet you guys... & ofcourse you.. Sir... Thank you..." pautal-utal kong pakilala habang mapapayuko sa sobrang kahiyaan ko. Pero napalingon ako kay Sir Avila bilang respeto. Namataan ko na nakatingala sakin si Marc. Paglingon ko sakanya, nakangiti siya sakin, parang may gustong sabihin.
"Hi guys! Hi Mr. Avila. I'm Marc Xian Buenavista. Some of you were already my friends, classmates before & some of you were familiar to me. Have a good day everyone!" pakilala ni Marc with confidence. Nung pagkakabanggit niya ng SOME OF YOU WERE FAMILIAR TO ME, nakatingin siya sa akin. Napayuko nanaman ako bigla. OMG! Nakikilala na niya yata ako! Ako naman parang magkakastiff neck na sa kakayuko kanina pa!
Nakaupo na si Marc. Kitang kita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon niya sa akin. Gusto niya ba ako kausapin o baka naman kay Rox nanaman siya nakatingin. Ayoko tumingin sakanya, baka mapahiya nanaman ako!
"I think I know you. Akiko. You're very familiar to me. I might forget when, where or how. But all I know is we've been together last time." isang bulong na nagpanting sa kanang tenga ko. Di ako makalingon kasi ang lapit ng muka niya sa tenga ko. Baka mamaya magkadikit ang mga muka namin...tulad noon... Try ko kaya lumingon ulit! HAHA!
"Ahh....eehh...Of course you knew me already. Kakapakilala ko lang kanina diba?" sumeseg-way lang ako! Pakipot effect lang.
"Haha. No. No. I know that. Pero nung nakita kita. Now I remember, you're my partner in Santacruzan nung month of May, right?" natatawang sagot sakin ni Marc. Natawa nalang din ako. "Ah... Oo nga noh? Para kasing iba yung muka mo noon.." natatawa kong sagot habang binabaling ko ang tingin ko sakanya. Kita ko nanaman ang mga matatamis niyang ngiti.
Nagtawanan nalang kami. Mahina lang, baka kasi marinig kami ni Sir Avila.
Simula noon, lagi na lang kaming magkausap ni Marc. Nagdadaldalan pag walang prof. Parang kaming dalawa lang sa mundo. Minsan may istorbo, aayain siya ni Hans na mang-chix pero ayaw naman ni Marc. Lalo na si Rox na sisingit pa siya sa usapan namin, di naman maka-relate. Magkasabay din kaming kumain pag breaktime namin. Madalas din niya kaming hinahatid ni Geline sa pag-uwi galing school. We're getting to know each other well...closer & closer.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
Ayan..close na sila..malapit na!!! Hehe..
Check Akiko's school girl look right there >>>>>>>>>>>>>>
Next chapter nanaman!! :D
*eiichikouhei*
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Teen Fiction"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)