MARC’s POV
♫ Playing: Hanging by a Moment by Lifehouse ♫
Desperate for changing
Starving for truth
I'm closer to where I started
Chasing after you
I'm falling even more in love with you
Letting go of all I've held onto
I'm standing here until you make me move
I'm hanging by a moment here with you
Nakaka-inspire talaga pag alam mong nanonood sayo yung taong mahal mo habang kumakanta sa harap ng madaming tao. Nakakawala ng kaba.
Napansin ko ang pag-alis ni Akiko sa upuan niya. Baka mag-CCR lang yun.
Pero halos matapos na kami sa pagtugtog, hindi pa din siya bumabalik. Di kaya sumama ang pakiramdam niya’t nagpahinga na sa hotel? Di man lang siya sumenyas kanina para alam ko.
Just hanging by a moment (here with you)
Hanging by a moment (here with you)
Hanging by a moment here with you…
Audience applauded.
Nasaan na ba yun si Akiko? Pupuntahan ko sana si Geline sa kinauupuan niya kaso wala na siya dun.
Tawagan ko nalang si Akiko.
Dialing Sweetie….
RING!
RING!
RING!
"Hello Marc. Si Geline ito. Nakita ko yung phone ni Akiko dito sa CR ng studio. Pero wala siya dito. May text ba siya sayo kung saan siya pupunta?"
Si Geline ang sumagot. So hinahanap na pala niya si Akiko. Saan ba siya nagpunta? At bakit nasa CR yung phone niya. Pinuntahan ko agad si Geline sa CR ng studio.
Pagdating ko, inisa-isa ko ang loob ng cubicle, pero walang tao dun. Ganun din sa buong corners ng studio. Wala siya!!
Lumabas ako ng studio at tumingin sa paligid. Iniisip ko kung saan siya posibleng pumunta. Doon nalang siguro ako sa gitna ng resort, sa bandang gazebo kung saan kami nanggaling kanina.
Humingi ako ng tulong kay Geline at Hans para hanapin siya. Doon nalang siguro sila maghanap sa hotel.
Papunta na ako sa gazebo pero mukang wala naman akong makitang mga tao dito. Nilibot ko pa ang buong resort pero wala akong napala. Ilang minuto din ako naglibot dito sa loob, di ko siya makita.
Nasaan ka ba Akiko???
Naisipan kong pumunta sa reception or sa office nalang ni Jay para humingi ng tulong sa mga staff niya.
Nung papasok na ako sa reception, napansin kong papasok na din si Jay. Kaya tinawag ko siya.
“Jay!” sigaw ko.
Lumapit ako sakanya at mukang takot na takot siya sa akin. Nakakatakot ba ang sigaw ko at muka na akong mananapak ng tao?
“Oh, Marc. Napasugod ka? Ah.. I mean, anong kailangan mo?” tanong niya. Bakit ba parang may iba sa pananalita niya?
“I need your help. Nawawala yung girlfriend ko. Please coordinate with all your staffs, di ko siya mahanap.” Sabi ko.
“Ha? Nawawala? Malaki ang resort pero kahit pusa namin nakikita ko, tao pa kaya. Hehe.” Sagot niya. Nang-iinsulto ba siya??? Damn it!
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Teen Fiction"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)