Chapter 38: The Quite Truth Is...

34 0 0
                                    

A/N:

Edited ko na po yung mga previous chapters. Haha. Dami ko pala errors. Sana kahit ganun, naintindihan niyo pa din yung flow ng story.

Keep reading. Kapit lang sa maagang pagtatapos ng story ko. Atat kasi akong matapos ito. HAHA!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

HANS’ POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Marc kung saan siya kinonfine. Nakatingin lang siya sa kawalan pero hindi dito sa kinatatayuan ko ngayon. Kitang-kita ko ang panghihina niya. Putlang-putla talaga siya. Nakita ko nanaman siyang ganyan. Natatakot tuloy ako na baka mangyari nanaman yung dati.

Napansin kong unti-unti na siyang lumilingon sa akin at nang nakita na niya ako, kumunot ang noo niya na parang may magtataka. Ito na ba ang kinatatakutan ko?

“H-hans?” bati niya agad sa akin at agad ko siyang sinalubong ng isang sarcastic smile.

“Buti nagising ka na. Kilala mo pa ba ako?” sarcastic na tanong ko.

“Ewan ko sayo. Si Akiko kamusta na? Nasalinan na ba siya?” Tss. Daming tanong, puro nalang kay Akiko. So it means—Okay never mind. Atleast.

“Yap. Nagpapahinga na siya ngayon. Hinihintay nalang namin siyang gumising. Ikaw kanina ka pa tulala dyan. HAHA!” natatawa kong sabi sakanya pero siya seryoso lang.

Napayuko siya at nagsalita, “Naalala ko lang kasi nung bata pa ako..parang may kasalanan pala ako. Hindi ko lang maalala.”

Napaka-big deal naman yata sakanya kung hanggang ngayon naisip niya yun. Naalala ko kasi yung kwento niya sa akin noon, ganyang-ganyan din yung pagkakasabi niya noon eh. Di kaya naalala niyang…

*door opens*

“Hans? Is that you?!” bati ni…

Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses, siya pala yung pumasok. May dala siyang mga pagkain, malamang para kay Marc iyan.

“Mma-Marxia?” nagtataka kong bati sakanya, di kasi ako sigurado kung siya nga iyon.

Napataas ang kilay niya bilang pagtataray sa akin at mukang nagpipigil ng tawa, “HAHAHAHA!! Ikaw nga!!” natawa na nga siya. At iyon, as usual lumapit siya sa akin at kinurot ang pisngi ko!!! Tss.

“Awwww!!! Marxia!!! You’re being childish again!!! Aissshh!!!” napasigaw tuloy ako sa sobrang sakit ng kurot niya sa pisngi ko! T_T

“Eh sa namiss kaya kita!!! Hahaha!” patuloy pa nito habang hindi ako tinitigilang kurutin sa pisngi. Hmp.

Natigil lang si Marxia sa kakakurot niya sa akin nang napansin naming napasigaw na din si Marc habang napahawak sakanyang ulo na para bang may masakit sakanya, sabay kaming napalingon sakanya.

---------------------------------

ARJUN’s POV

Mabuti nalang at nasalinan na siya ng dugo. Pero dugo naman ni Marc, Tss. Sana magising na si Akiko. Hindi kasi siya matinag sa pagwawala kanina nung binuhat ko siya pabalik sa kwarto niya, kaya ayan pinaturukan namin ng pampakalma.

Dito lang ako sa labas naghihintay dahil nasa loob sina Tita Michi at Tito Hiro, baka kaladkarin pa ako palabas. Ayoko na kaya maulit yung dati..

*Flashback*

Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon