MR. AVILA'S POV
Hindi ko na alam ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit ko nabigyan ng ganung kundisyon si Ms. Torrefuente. Matalino pa naman siya, magaling sa klase, madaling matuto tapos biglang ganun yung kundisyon ko?? Nakakahiya! Sh**! Alam kong isa ako sa mga matataas na professor dito sa CCC pero bakit kailangan ko yun ipakita sa mga estudyante ko?
Lahat kaya kong gawin para sakanya. Para kay Ms. Tamara. Si Akiko lang ang naging dahilan ng pagiging pervert ko. Confident akong gawin ang mga ganitong bagay dahil alam kong may tiwala sa akin ang school na ito dahil madami na akong na-contribute para umangat ito. Malaki ang utang na loob nila sa akin.
Basta ang mahalaga, tapos na ang Plan A. Dahil kay Geline, nabuo ang matagal kong pinaplano. Ang planong i-threaten ko si Ms. Torrefuente na alam kong di niya magagawa dahil isa siyang matinong babae hindi tulad ng iba. Yun ang threat ko dahil alam kong di siya papayag at para si Akiko ang sumalo nito, and that's my Plan B.
Plan B ang pinakagusto ko. Yung makausap si Akiko nang kaming dalawa lang. Yung maiparamdam kong kami lang sa mundo. Yung ako lang para sakanya. Alam ko mahirap maging kami dahil isa akong prof at estudyante siya. Pero wala akong pakialam. Pag gusto ko, gusto ko.
Plan C? Wag na siguro. Alam kong matutupad ang Plan B ko.
Teka. Bakit ba ang init-init ng ulo ko pag nakikita ko itong si Mr. Buenavista?
Grrrrr…! Magkausap nanaman sila ni Akiko. Narinig kong inaaya niyang mag-meryenda yung mahal ko. Hindi pwede! May defense pa siya sa akin after class ah! Di pwedeng masira ang plano ko.
Papasok na ako sa classroom nila. Di ako makatitig nang matagal kay Ms. Torrefuente. Lalo na kay Akiko. Alam kong halos isumpa na nila ako dahil sa mga tingin na iyon nilang dalawa. Galit na galit yata sila. Maya-maya'y nag-iba ang expression ng mga muka nila nang tumayo si Mr. Buenavista papalapit sa akin.
"Yes, Mr. Buenavista? Go back to your seat. We'll start the discussion." sabi ko sakanya. Tila nainis yung expression ng muka niya sa akin nang sabihin ko yun.
Umupo nalang siya na parang dinabog ang pag-galaw ng upuan pagkaupo niya.
Aba! Walang hiya tong lalaking ito ah! Walang respeto!
Badtrip talaga! Nagkatinginan pa sila ni Akiko nung nakaupo na siya.
Binuksan ko ang student record sheet ko. Ichecheck ko muna ang attendance nila at kung sino-sino nadin ang di pa nakakapasa ng thesis, except kay Akiko - dahil exempted na siya.
Tinawag ko sila isa-isa at nagcheck ako sa Attendance column. Mabuti at wala namang absent. Pinaghihigpitan ko talaga sila dahil ayoko sa klase na aabsent-absent. Pag umabsent, bawas agad ng 20% as our recitation percentage. Araw-araw kasi akong nagpapa-recite. Pero ngayon, gusto ko na agad magpa-dismiss ng class kasi excited na ako sa solo flight with Akiko.
Tinignan ko ang Project column. Lahat sila ay may grades na just except Akiko dahil di talaga siya nakapag-submit. Teka, bakit meron pang isang blanko sa project? May na-overlook ba akong lagyan ng grade kanina? Tinignan ko gamit ang ruler kung sino ang walang grade.
Buenavista, Marc Xian S.
Haha! Gotcha! Nakakatawa! Di nga pala siya nag-submit. Aba't pareho pa sila ni Akiko na walang gawa! Siguro naglalandian itong dalawang ito!
Naalala ko, member pala siya ng college band - yung Black Lane. Magaling sila pero wala akong pakialam! No consideration! Pero paano pag nagtaka ang klase na si Akiko binigyan ko ng condiseration? Di bale, I have an idea.
PLAN C. Tama! Plan C ko si Buenavista. Humanda ka!
"Congrats guys! All of you have already submitted your Research Thesis just except the two - Mr. Buenavista & Ms. Tamara." bati ko sa buong klase. Ayoko naman iaanounce sakanila na si Akiko exempted tapos si Buenavista hindi. Unfair yun, kaya nanahimik nalang ako. Si Buenavista nalang ang kakausapin ko maya bago ako lumabas.
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Teen Fiction"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)