Chapter 18: The Special Preparation

52 0 0
                                    

A/N:

For info, this special preparation chapter has its POV for Marc (1st part) & Roxanne (2nd part), magkasabay kasi sila nang may special preparations for the very special day. =)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MARC's POV

Ako na talaga ang moody ngayong araw! Ngayong araw pa ng 2nd anniversary namin ni Akiko. Hayss. Inaamin ko, I'm being childish these past few days pero ganun lang talaga ako pag malalim ang iniisip ko. Kung sa business nga nagiging moody ako e, pero sa harap ni Akiko di ko kaya yun. Yun nga lang, nakahalata siya.

Nasupladuhan ko pa tuloy siya kanina dun sa suot niya. Baka kasi mabastos siya ng mga kabanda ko e. Mga manyak pa naman yun lalo na pag tumutugtog kami, puro sa mga girls ang tingin. Hayss.

Nabadtrip pa ako sa kayabangan ni Xylan dahil lang dun sa chevrolet cargo van niya. Na-insecure lang siguro ako kasi parang wala pa pala ako nun. Buti hindi nagtanong si Akiko sa nabanggit ni Xylan na collections ko yung chevrolet. Gusto ko kasi yun isurprise sakanya pag may family na kami. Hehe.

Tapos kanina sa hotel, wala talaga ako sa mood mag-isip kung ano ang tutugtugin mamaya sa bar. Iniisip ko kasi kung anong isusurprise ko kay Akiko mamaya sa dinner bago kami mag-jamming.

Nagkasagutan pa kami sa lounge nung lumapit sakanya yung foreigner na yun! Mukang manyak naman kasi yun eh! Tapos bigla siyang papayag na magpakilala dun? Naku naman! Ako na ang seloso!

At nagawa ko pa mag-walk out sa harap niya diba? Anong klaseng boyfriend yun?

Kaya ayun, ako na ang nag-apologize sakanya. Di ko kasi kayang saktan si Akiko dahil lang sa maliliit na bagay. Di naman talaga ako nagpapaka-big deal eh.

Buti nalang, okay na ulit kami =)

"Huy pre! Kanina kapa wala sa sarili! Ano nga ang kakantahin? Any suggestions?" nawala ako sa pagmumuni-muni nung halos sunggaban na ako ni Hans pero pabiro lang naman.

Para naman kasi kaming magkapatid nito ni Hans kaya immuned na kami sa mga sakitan hehe..

"Talk you down? You found me? Dalawa lang muna. Aalis muna ako, wait lang." sagot ko pero kailangan kong magmadali. Sabay nag-isip ang utak ko. Nakaisip ako ng kanta at nakaisip din ako ng surprise kay Akiko. Great!

"Uy dude! Wait lang. Suggest ka ng suggest pero need natin irehearse yun ha." pahabol niyang sabi pero di ko na siya sinagot. Nagmadali na ako lumabas ng studio ng resort.

Tamang-tama nasa hotel pa naman sina Akiko. May time pa ako makapaghanda.

Pumunta ako sa reception ng resort. I need to talk to Jay. Siya kasi ang may-ari ng resort na ito. Pero naging mag-partners kami nung di pa siya ang may-ari nito. Pinaubaya ko na kasi sakanya ang pag-manage nito.

Nung nakarating ako sa reception, tinanong ko kung nasaan si Jay pero nasa office daw niya. Kaya dun ako dumerecho sa office niya.

Kumatok ako nung nasa harap na ako ng pinto.

Ang tagal buksan yung pinto kaya ni-check ko kung bukas ang pinto. Oo, bukas naman iyon kaya pumasok nalang ako sa loob.

Pagpasok ko, naabutan ko silang magkausap ni...

Roxanne?

Anong ginagawa niya dito?

Napalunok ako. Di ko alam kung bakit. Dahil ba nakita ko ang ex ko? At saka ano bang kinakatakot ko? Hindi na kami ngayon.

Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon