This is the moment of truth.
This is the outline of my life.
Kung saan man ako nanggaling, yun ay aking pinasasalamat dahil binigyan ako ni Lord ng isang pamilya kung saan magiging masaya ako. Mga kaibigan, kung saan magiging isa ako sa dadamay sakanila sa lahat ng oras.
At kung saan man ang kinahihinatnan ng buhay kong ito, sana’y maging isang magandang ala-ala sa lahat ng taong nakilala ko.
“Xian, anak (sabay haplos sa ulo ko). Gusto ko paglaki mo, magkasundo na kayo ng kapatid mo (sabay haplos sa ulo ni Jun-Jun). Ikaw ang mas matanda kaya dapat ikaw din ang magtatanggol sakanya kung sakaling may mangyari sakanyang masama. Pero gusto ko pa din na lagi kang mag-iingat. At dahil babae ang ate niyo (sabay haplos sa ulo ni Ate Marxia), siya ay ang laging prinsesa ninyo. I love you anak! Happy Birthday!” yun ang wish sa akin ni Mom nung kahuli-hulihan kong birthday na nakasama ko siya.
Alam ko naging cold akong kapatid sakanila pero dahil lang yun sa naging seloso ako at naiinggit dahil kahit kailan hindi ako minahal ng Dad na katulad ng pagmamahal ni Mom. Pero kahit ganun pa man, madami pa ding nagmamahal sa akin.
“Happy Birthday Kuya!” bati ng bunsong kapatid ko.
“Happy Birthday Baby Xian!” masiglang bati sa akin ni ate.
Mahal ko naman talaga ang mga kapatid ko eh. Nakakatuwa ngang isipin dahil middle child ako. It means, pinagigitnaan ako ng isang ate na mag-aalaga sa akin kahit na lagi kaming nag-aasaran at ng isang bunso na magpapatawa sa akin sa tuwing malungkot ako.
“Anak, I know you’re always cold at me. It is my responsibility to acknowledge you as one of my children but I disappointed you. I just want to protect my middle child against all odds. Yeah, I know it means of business again but I assure you that someday, somehow you would realize that all of these things are for this family. Happy Birthday.”
Those words from my father made me realized that he really loves me a lot. But, I know it’s quite absurd to think that until now, that I am mature enough, I’m still cold at him. Why? It’s because I can’t still understand the things enough. On some other times, perhaps, I could.
“This mark symbolizes that I will be waiting for you. (While I am engraving our name at the bark of the tree) Marcus Xian Avila <3 Akira Keiko Tamara.”
Simula nang dumating siya, lumakas ang loob ko. Bata pa kami noon, yes, pero I knew the feeling of being a special person by somebody else. Siya ang nagpaintindi sa akin na kahit hindi man iparamdam ng magulang ang pagmamahal nila, nakatatak pa din sa isip at puso naming mga anak ang paghihirap na pinagdaanan nila para lang mabuo at mabuhay kami.
“O. A. mo naman Marcus! May ganyan pang nalalaman?? Tara na nga.” Nagmamaktol na sabi sa akin ni Keiko. Pero bigla ko siyang hinigit sa kanyang braso para pigilan siya.
“I am serious.” Yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
Ang seryosong usapan namin na iyon, napunta sa isang…
“Baby Xian!! Si Mom!! Si Mom!! She’s….She’s…dead…whaaaaaaaaaaaa!!!!” at yun nagsimula na siyang humagulgol.
Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako. Nag-uunahang lumabas ang mga luha ko. Napako ako sa kinatatayuan namin ni Keiko na tila bang hindi na ako makagalaw at makatakbo para puntahan si Mom.
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Teen Fiction"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)