Chapter 25: Unwind

45 0 0
                                    

AKIKO’s POV

I’m longing for freedom from this very tear-jerking moment.

Need to whine things up, but very useless. Naalala ko pa yung dance song ni Kat De Luna na Whine Up, nakakawala nga naman ng tension pero useless pa din. Oo, nawawala ang problema ko kapag sumasayaw pero panandalian lang kasi maya’t maya maiisip ko nanaman.

Pero infairness, nagka-idea ako para makapag-unwind naman ang utak ko. It’s been two weeks since hindi ko kinakausap si Marc. Ignoring calls & texts. Pumupunta siya sa apartment pero di ko naman pinapapasok sa loob. Sa tuwing gabi na alam kong nasa labas siya ng apartment, pinapatayan ko siya ng ilaw para malaman niyang matutulog na ako. Minsan kapag umaga na, naaabutan pa nga daw ni Geline si Marc na nakatulog na sa kotse niya sa kakahintay sa akin na lumabas.

Hindi ba dapat kailangan ko si Marc dahil wala pang kasiguraduhan ang pagkawala ni Kurt. Baka bigla niya akong balikan at kidnapin ulit ako tapos maririnig ko bigla ‘LET’s CONTINUE. Sh** ano bang pinag-iisip ko!! Pero para saan pa si Marc? Ni wala nga siya nung hawak ako ni Kurt. Kung sino pang malayo sa akin, siya pa ang nakakita sa akin. Si Arjun.

Hanggang ngayon hindi ko pa din siya naitatanong kung paano niya ako nakita at kung paano niya nalamang hawak ako ni Kurt.

One time, nakapagdecide na ako na lumabas ng bahay. Sabi kasi ni Geline wala na yung kotse niya sa labas. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko siyang iwasan at hindi ko kayang marinig ang mga paliwanag niya. Baka masaktan lang ako.

“HA? Sigurado ka dyan friend? Sige.. sasamahan kita..” sagot ni Geline nung niyaya ko siyang lumabas. Nakakaboring na din kasi pag nagkukulong lang sa bahay na parang may tinataguan.

Buti naman pumayag siya, dahil kung hindi…kaya ko naman mag-isa e. Saka wala na din namang mawawala kasi nawala na ang pinag-iingatan ko. Si Arjun naman one week na din hindi pumupunta sa apartment, madami din daw kasing inaasikaso sa business niya.

Alas-siyete pasado na ng gabi nang nakaalis kami ni Geline. Nag-taxi nalang kami papunta sa isang bar sa QC. Oo, magbabar kami ngayon. Gusto ko lang makarinig ng masasayang music, konting inom and of course, namiss ko na sumayaw kaya sasayaw ako nang sasayaw sa dancefloor later hanggang gusto ko!

Nakarating kami sa bar ng almost 8:30pm. Grabe ang traffic kanina ha. Para na din akong nanood ng movie nun.

Pagpasok namin sa bar, isang masiglang dance music ang bumungad sa mga tenga ko. Nakakarelate din naman.

♫ Playing: Young, Wild & Free by Wiz Khalifa ♫

So what we get drunk

So what we don't sleep (smoke weed)

We're just having fun

We don't care who sees

So what we go out

That's how its supposed to be

Living young and wild and free

Sa sobrang kasabikan, hinila ko agad si Geline papasok sa bar habang ako’y nagpapakawala sa pagsasayaw pero hindi pa ako lasing nun ah. How much more pag nalasing na ako haha!!

Umupo kami ni Geline sa isang table malapit sa mga bartender. Umorder ako ng Tequila Sunrise, my favorite. =)

Si Geline, Red Sea Sunrise nalang daw. Tokis talaga nun, e non-alcoholic yun ah! Lemonade or Sprite lang yata yun eh.

Maya-maya’y umorder pa ako ng isa, dalawa, tatlo..ah basta ewan ko kung ilan na!! Tapos umorder pa nga ako ng Vodka Cruiser.

Ngayon lang ulit ako ngumiti, tumawa, at sumaya nang ganito.

Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon