Chapter 43: Behind The Lies

29 0 0
                                    

AKIKO’S POV

So magkakilala nga talaga si Kurt at Jay dahil kay Roxanne?

Iyan ang tanong ko sa sarili ko nung kinausap ako ni Jay. Yeah, nagkausap kami kanina nung kaka-discharge ko lang sa hospital. Nalaman niya pala ang nangyari sa akin and nakokonsensya siya ngayon pati kay Marc.

*Flashback*

Makakasalubong ko yung lalaking may-ari ng resort. Siya yung pumunta sa apartment na nag-aaccuse sa akin ng murder dahil sa nangyari sa resort niya. Hayss.

Nang magkalapit na kami, nagsalita na agad ako. “You know what..I’m prepared. Bakit wala kang kasamang mga police?” Sabi ko gamit ang malamig na boses.

Nakita kong yumuko lang siya at natawa. Baliw ba siya?

“What’s funny?” pagtataray ko sakanya.

Bigla siyang lumungkot, “I’m here to apologize. I’m here to say the truth behind their lies.”

Hindi ko na alam kung ano ang naging reaksyon ko nang marinig ko iyon. Behind THEIR lies? So means madami sila?

“Go say it.” Pagtataray kong sabi sakanya.

Tumingin na siya sa akin nang derecho, “These were all because of the conspiracy between Kurt & Roxanne.”

Wow. Paano namang nangyaring…teka…magkakilala sila? Kelan pa?

“They are even strangers with each other. How come--”

Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita dahil inunahan na niya ako, “Yeah. It’s like me & them. Hindi kami magkakakilala pero I’m even belong sa scheme nila. And I am sorry.”

Bakit parang ang slow ko ngayon? Hindi ko alam eh. Magagalit ba ako sa lalaking ito dahil kasabwat siya sa mga nangyayari o maaawa ako dahil iba siya sakanila?

“Malakas sa akin si Roxanne. Hindi ko lang alam kung paano sila nagkakilala nung Kurt na iyon. We’re good friends ever since we’re in childhood. Hindi ko siya natanggihan. She’s doing this because of Marc. Akiko, I hope you understand all of this someday.”

Dami niyang sinabi huh. Sana nga maintindihan ko ang lahat ng ito someday. Or maybe in some other time..

Hindi pa din ako makapag-react through words from my mouth. Speechless.

“Kurt’s alive.” Pagpapatuloy niya pa.

Wait… Kurt’s alive?

“WHHHHAAATTT?!!!!!” ayan napasigaw na tuloy ako sakanya. Nagtinginan na sa amin yung mga nurse at yung ibang mga pasyente.

“Wala nga lang sakanya yung pagsaksak mo eh. Tinawanan niya lang nung nagpatawag kami ng med noon. Then nag-usap sila ni Roxanne.. Narinig ko na si Roxanne ang nag-utos na kidnapin ka ni Kurt pero hindi niya alam ang pag-rape niya sayo..Pagtapos nun, gusto lang ni Rox na mawala si Kurt sa paningin ng lahat dahil alam ni Rox na idadamay siya nito. Pero humingi ng kapalit si Kurt..”

Tumigil muna siya saglit at nagsalita, “Na gumawa lang si Rox ng paraan na mawala ang feelings ni Marc sayo. Pagtapos nun, hindi na siya guguluhin ni Kurt.”

*End of Flashback*

Pagtapos ng usapan na iyon, itong kay Sir Stanley naman ang papakinggan ko. Bakit parang mapaglaro yata ang pagkakataon dahil all along, halos lahat sila magkakasabwat. Is this really a scheme or what?

Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon