Chapter 17: Moody Sweetie

52 0 0
                                    

 AKIKO'S POV

Maaga akong nagising ngayon. Sabi kasi ni Marc, be ready at 6am. Ayan tuloy, sa super excited ko nagising ako ng 4am haha!!

Si Geline tulog padin pero ginising ko na siya.

I'm just wearing my favorite summer attire (Floral Sando & Maong Shorts) na naka-slipper & wearing my shades. Sabi kasi ni Hans kay Geline, kasama siya. Then na-ask ko nadin kung saan pupunta kaya yun sinabi niya na sa Poracay Beach Resort, Pampanga daw kami. Wow.

Sweet talaga ng sweetie ko..

Natapos ako mag-ayos sa sarili ko ng mga past 5am. Hinihintay ko nalang ngayon si Marc.

Nakaupo lang ako sa sala ng apartment.

Forty five minutes later, I heard a car's engine na parang kakahinto lang sa tapat ng apartment.

Si Marc na yun.

Sinalubong ko siya sa pintuan.

Nagulat siya siguro kung bakit ganito ang suot ko - summer attire.

Bakit ba? E beach yun e. Alangan naman mag-gown ako diba?

May dala siyang malaking paper bag at inabot sa akin.

"Suutin mo ito maya pagdating natin sa resort. And please, mag-pants ka muna. Kasama ko mga ka-banda ko." sabi niya habang umirap na nakatingin sa legs ko. Ayos ka ah!

Dahil lang pala sa naka-shorts ako kaya mainit ang mata niya sa akin. Hehe.

Akala ko double date kami nila Geline at Hans. Di pala. Hmp.

Pumasok na ulit ako sa loob at tinignan ko muna yung laman ng paper bag bago ako nagpalit ng pants sa kwarto ko.

Wow.

Superb!

I love it, huh.

Hindi na nadescribe ng utak ko yung damit kasi naman si Geline panira ng moment.

"Hoy, Aki!! Mangha ka naman masyado dyan.. Pero infairness ang ganda. Sweet tlaga niyan ni Marc ah.. Oy kaw nalang pala hinihintay sa labas bilisan mo." sabi niya.

"Oo sige, lalabas na ako." sagot ko.

Lumabas na ako ng gate after ko magpalit ng skinny jeans. Sayang, okay na porma ko kanina. Hayss.

Nakita kong naghihintay na nga sila sa labas.

Kasama nga pala talaga yung buong banda nila. Hays. Panira ng moment yang mga iyan!

"Uh-oh. Whiiitwhheeeww.." sumipol-sipol pa itong si Xylan nung nakita ako, makatingin mula ulo hanggang paa eh. Tumingin sakanya si Garry, napatawa pa. Si Adam tahimik lang sa isang tabi. Buti pa siya.

Ang sweetie ko naman tinapik ng napakalakas sa braso si Xylan. Kaya ayun napatigil sila sa pangtitrip.

Kaya pala pina-pants ako ni Marc kasi mga manyak yung mga ka-banda niya e. Hehe.. Pero kahit naka-pants ako, ang titinik padin ng mga tingin eh!

"Tara na sweetie." sabi ko kay Marc. Habang kumapit na ako sa braso niya.

"Okay, sweetie. Good girl." sagot niya habang napatingin nanaman sakin mula ulo hanggang paa.

Sumakay na kaming lahat sa itim na van.

"Pre, eto na ba yung Chevrolet cargo van niyo? Tara magrelax na!" sigaw ni Garry kay Xylan.

So, Chevrolet Cargo Van pala ang tawag. Sosyalin.

Si Marc kaya kelan magkakaroon nito? Lagi nalang yung Black Tucson ang nasasakay ko kapag magkasama kami eh. Hmm.

Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon