At the hospital..
AKiKO’s POV
Halos malagutan na ako ng hininga sa kakatawa! HAHA! Natigil ako sa kakatawa nang biglang may pumasok sa kwarto ko.
“Mommy? D-daddy??” gulat na pagbati ko kay mommy. For sure, si Geline ang kumontact sakanila.
Nagulat din si mommy at daddy nang napansing katabi ko si Arjun. Alam ko hanggang ngayon hindi pa rin nawala ang galit nila kay Arjun. Oh, I mean..sa family nila Arjun. Kaya nga kami pinaghiwalay noon dahil sa business partnership ng family namin at ni Arjun. Hayss.
Instead na sa akin sila lumapit, kay Arjun sila naunang makipagconfront.
“So what the hell this guy doing here?” pagtataray na tanong ni mommy sa akin pero kay Arjun siya nakatingin ng masama.
Hinawakan siya ni Daddy sa braso dahil baka manampal nanaman siya nang di oras tulad ng pagsasampal at pagsasabunot niya kay Tita Stella (yung mother ni Arjun) nung nalamang nalugi ang business namin dahil sakanila. Aissh.
Napatayo habang nakayuko si Arjun at nagsalita, “Aalis na po ako.”
Masama pa din ang mga titig ni Mommy sakanya. Samantalang akmang hahakbang na siya palabas ng kwarto nang sinumbatan siya ni Mommy.
“Bastos ka din tulad ng parents mo ano?!! I’m asking what the hell you are doing here..Akiko diba sinabi ko na sayo na d---????!!”
Hindi ko na pinatuloy sa pagsasalita si Mommy dahil hindi ko na kayang magtimpi sa mga kilos niya, lalo na sa panunumbat niya kay Arjun.
“Mom stop it! Nandito siya dahil may CONCERN siya sa akin. He’s here because he CARES for me. And now, ikaw ang tatanungin ko Mom..What are you doing here?”
Na-emphasize ko pa yung CONCERN at CARES dahil mismong si Arjun naipapakita sa akin yun, samantalang ang NANAY ko, ni katiting di ko maramdaman yun sakanya. Nasigawan ko si Mommy kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganun na lang ang itsura niya pagtapos kong magsalita. Alam ko masakit para sakanya ang sigawan siya pero sobra na siya. She’s being so paranoid and panic-stricken.
Nakita ko ang sunod-sunod na pagluha ni Mommy habang napatakip nalang siya ng bibig sa inasta ko sakanya. Nakita ko naman si Daddy na halos mamula na sa galit at masama ang tingin sa akin habang tina-tap si Mommy sa likod nito. Si Arjun nakayuko pa din.
“I’m sorry M-mom..I didn’t meant to hurt you.. It’s just that--”
Di ako pinatigil ni Daddy sa pagsasalita, “It is just how you treat your Mother, huh?”
Napatigil saglit si Daddy sa pagsasalita at biglang tumingin kay Arjun, “Arjun, just get out of here before I push you away...again”
Yeah, push him away from me again?? Just like before.. Not just exactly ‘pushing away’ pero kinaladkad pa talaga palabas ng bahay namin noon. And what’s worst? I didn’t do anything kaya nung huli kaming mag-usap, iyak ako ng iyak kay Arjun. Aisshhh.. He just let me go.. He just let me do nothing for him, for our relationship.
Well I’m not saying na I still have regrets na pinakawalan ko siya dahil mahal ko pa siya. Not that, past is past nga diba? Kung pwede lang ibalik yung dati pero whaaaaaaaa… ano bang pinagiisip ko? Tss.
I came back to my senses when I noticed na napatingin nalang sa akin si Arjun at humakbang na papalabas ng kwarto na may kalungkutan sa kanyang muka. Gusto ko siyang sundan pero hindi kaya ng buong katawan kong bumangon, buti pa yung kaluluwa ko kayang-kaya.
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Novela Juvenil"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)