Chapter 36: When Gentlemen Meets...Again

27 0 0
                                    

ARJUN’s POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Akiko kung saan siya naka-confine. Wala pa rin syang malay hanggang ngayon. Kitang-kita ko sa mga muka niya ang pag-aalala ng mga problemang dumadaan sakanya sa kasalukuyan.

Umupo ako sa upuang malapit sa kama. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niyang nakalapat sa kama.  ‘SANA HINDI NALANG KITA PINAKAWALAN. SANA AKO ANG NANDITO NA NAGPAPASAYA SAYO AT YUNG HINDI KA SASAKTAN’. Yun ang sinasabi ngayon ng isip ko.

Huli na ang lahat. Nagsisisi ako. Mahal ko pa din siya. Hindi iyon mawawala sa akin.

Hinalikan ko ang kamay niya habang ramdam ko ang pagbuhos ng mga luha ko. Masakit para sa akin ang mga dinadaanan niya ngayon. Marapat lang siguro na malaman na niya ang lahat. Kahit pa ikasakit iyon ng kalooban ko. Kahit pa magalit siya sa akin. Kahit pa lumayo na siya, kakayanin ko. Para sakanya, para sakanya…

*click

Agad kong inayos ang sarili ko dahil narinig kong bumukas ang door knob ng pintuan.

*door opens

Hindi ako lumingon para alamin kung sino ang pumasok. Maghihintay nalang akong magsalita siya. Kung papaalisin man niya ako, hindi ko yun magagawa. Babantayan ko lang si Akiko hanggang sa magising siya. Pagtapos nun, lalayo na ako sakanya.

*door closes

Tahimik lang. Tanging foot steps niya lang ang naririnig kong papalapit sa likuran ko. Alam kong lalaki ang pumasok. Kutob kong si Marc iyon.

“Alam ko madami kang alam sa buhay niya. Alam mo ang bawat daloy ng nararamdaman niya. Bawat patak ng mga luha niya, alam mo kung ano ang bumabagabag sakanya. At iyon ang meron ka na wala sa akin. We’ve been together for two years for this relationship pero hindi ko man lang siya nakilala ng tulad sa pagkakakilala mo sakanya. Siguro nga, ngayon ko lang siya nakitang masaktan. Ever since, hindi ko siya nakitang distressed. Just now. Just now kung kailan siya napahamak. Laki kong gago kung bakit siya nagkakaganyan.”

Boses ni Marc. Pagtapos niyang magsalita, dinig ko ang paghikbi niya. Umiiyak na siya. Pareho lang kami. Nagdadalamhati lang kami para sa kalagayan ni Akiko. Pero dapat maging matatag kami dahil kami ang nagmamahal kay Akiko at kami dapat ang gumabay sa pinagdadaanan niya.

Lumingon ako sa kinatatayuan niya pero just about halfway of my face at sumagot, “Yes, you’re right. Kilalang-kilala ko siya. Kilala ko ang Akiko na masaya, ang Akiko na malungkot. Bawat salita niya, alam ko kung nagsasabi siya ng totoo o hindi. Bawat kilos niya, alam ko kung nasasaktan siya o hindi. Pero ito yung pagkakataong hindi ko na siya kilala dahil malayo na siya sa akin. Iba na ang nagmamahal sakanya..iba na ang taong mahal niya..at higit sa lahat iba na ang nag-aalaga at nagpapasaya sakanya. At ikaw yun, Marc. Ikaw na ang makakakilala sakanya.”

“Siguro nga. Pero sa pagkakataong ito, ako ang naging dahilan kung bakit siya nasasaktan at kung bakit nangyari sakanya ang mga ito. Nawala ako sa tabi niya. Nadala lang ako sa tukso ng tadhana. Pero hindi ko hahayaang mawala siya sa akin. Mahal ko siya.” Sagot pa nito.

Napatayo ako bigla. Bakit niya ngayong sinasabing hindi siya mawawala kay Akiko? Eh pinirmahan lang naman niya ang agreement na binigay sakanya. Oo, alam ko din ang tungkol doon. Alam na alam ko.

“Tsss. Ayaw mawala? E bakit ka pumirma sa agreement? At ikaw na din ang nagsabing nadala ka lang sa tukso ng tadhana. So natukso kalang ba talaga na pirmahan iyon o intensyon mo talagang..--”

Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita dahil sumagot agad siya.

Oo, intensyon kong pirmahan iyon dahil iyon ang tama. Saka paano mo nalaman na pinirmahan ko ang agreement na iyon?” nagtataka niyang sagot sa akin.

Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon