Chapter 11: Black Mail

60 0 0
                                    

AKIKO'S POV

Takbo dito, takbo doon. Hayss, nakakapagod na! Nasaan na ba yun si Geline? Kailangan na namin matapos yung thesis bago ang last subject! Di rin naman siya sumasagot sa phone niya. Naku talaga!

Student's lounge.

Wala siya.

Library.

Wala din.

Cafeteria.

Di na yun siguro kakain dito.

Classroom.

Busy ang lahat sa thesis.

Whaaaahh!!

Saan ko ba siya hahanapin!!!

Pumunta ako sa faculty para pakiusapan si Sir Avila na mag-extend pa ng due date kahit isang araw lang.

Papasok na sana ako sa loob nang nakita kong magkausap sina Geline at si Sir Avila.

Takot na takot ang muka ni Geline. Bakit kaya?

Pumasok na ako sa loob.

Gulat na gulat ang mga muka nila nang makita ako.

"Aki?" yun lamang ang nailabas na salita ni Geline. Bakit

"Ms. Tamara. Glad you're here. Actually, may pinag-uusapan kami ni Ms. Torrefuente regarding sa Thesis. Well, I think it's now clear to you Geline ang lahat, so you can now go out & kami naman ni Akiko ang mag-uusap. Thank you." sabi ni Sir Avila habang nakatingin na siya sa akin at mukang pinapaalis na agad si Geline. Ano bang pinag-uusapan nila?

"Pero, sir. Ako na lang po ang...." naudlot na sabi ni Geline kay Sir Avila pero di siya pinatapos dahil itinaas niya ang kamay niya bilang hudyat na wag na siya magsalita.

Anong siya nalang ang alin?

Di kaya, siya nalang ang IBAGSAK?

Hmmmmm...

Di na umimik si Geline at bago siya lumabas ng pinto ay nakatingin lang siya sa akin na parang may lungkot sa mga mata niya na parang naaawa na di ko alam kung ano.. ewan!

"So you're here. What about it Ms. Tamara?" tanong ni sir sa akin.

"Ah.. eh.. akala ko po sir, may pag-uusapan tayo sabi niyo kanina.. ano po ba yun?" sagot ko sakanya habang tinanong ko na ang gusto kong malaman.

"No, you go first. Ano ba yun?" muli niyang sabi sa akin.

"Ah, sir. Kasi.. Ano po.. Ahh.. Di ko pa po nasisimulan yung...ahmm.. baka po pwedeng...yung thesis...ah... ma-extend ang due date?" pautal-utal kong pakiusap sakanya.

"Oh, about the thesis. You're exempted." nabuhay yata ang katawang lupa ko! Pakiulit nga po? Baka nananaginip lang ako!!!

"Po?" muli kong tanong sakanya. Di naman siguro ako bingi pero syempre panigurado lang kung tama ba ang pandinig ko!

"I said, you don't need to work on your thesis. Just give thanks to your bestfriend & that would be fine."

Weh? Di yun yung sinabi mo sir e! Sabi mo exempted ako?

Pero parang ganun din ang meaning nun! Paraphrase lang!

Whaaaaaahhh...

Tama ba ang mga narinig ko?

EXEMPTED.

YOU DON'T NEED TO WORK ON YOUR THESIS.

YESSSSSSSSSSS!

Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon