GELINE'S POV
**Flashback #1**
"Sige, friend. Mauna na ako sa'yo ha. Sige, Marc. May kakausapin lang ako banda doon." paalam ko kila Akiko at Marc. Nakita ko kasi siya. Oo yung mokong na ex ko!Kiligin much ba? No way!
I just want to fix things between us after what happened.
"Justin?" tawag ko sakanya habang nakatalikod siya. Alam ko kahit nakatalikod siya, si Justin yun.
"Geline. I'm glad you..." sabi niya pero di ko siya pinatapos.
"Yah. I'm glad to see you again..after all. Pero lumapit ako para makipag-ayos." sabi ko sakanya. Nakita ko yung mga ngiti niya. Alam ko na ang naiisip niya, ang makipagbalikan sakanya.
Pero mali ang akala niya.
"Ayusin na ang break-up natin. This time, I want it formal." dugtong ko sakanya, Nag-iba ang mood ng muka niya. Para siyang iiyak. Yumuko siguro siya para di ko makita yung teary eyes niya.
Too silly! But I have to do this.
"I'm breaking up with you. Enough na ba yun para maging formal na?" pagtataray ko sakanya.
Alam ko dapat di ko sinabi yun. Kaso nasasaktan na ako e. Ayaw ko na ibalik ang tiwala ko sakanya lalo pang nangyari samin yun.
Di ko na alam kung ano man ang naging reaksyon niya sa pagtataray ko since nag walk out na ako. Well, it's time para ipaglaban ko na yung sarili ko. Hindi yung takot na takot akong hiwalayan siya.
Naitanong ko kung enough na yun para maging FORMAL. Kasi noon, para akong basang sisiw na umiiyak sa harap niya.
**Flashback#2**
"Please..just let me think first..I need space..Maghiwalay muna tayo.." pakiusap ko kay Justin.
"No, I won't accept that Geline unless it's formal. I know na you still care for me." sagot niya sa akin.
"Hindi ko pa kaya maging formal kasi ang sakit...ang sakit sakit Justin.." patuloy kong pag-iyak sa harap niya.
"Then let me explain. Ayoko saktan ka.. And yung nakita mo, walang ibig sabihin yun.. Sinasaktan mo lang sarili mo." sagot pa niya na parang naninigaw na.
"Lumayo ka na muna. Lalapit nalang ako pag tanggap ko na." mahina kong sagot sakanya habang pinupunasan ko ang mga luha ko't nag walk-out.
**END OF FLASHBACKS**
Ako na! Ako na talaga si Walk-Out Girl!
Hay naku. Ayoko na talaga ibalik yung mga araw na yun.
Ano nga ba ang naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito sakanya?
Flashback ulit gusto niyo? HAHA!
Ayy hindi.. No need na pala.. kasi TWO-DIALOGUE lines lang yun eh..
"Hi Babe." bati nung babae sakanya habang nilagay yung kamay niya sa braso ni Justin at hinalikan siya sa lips.
Nagulat si Justin nang bigla akong sumulpot.
"Wow. Naabutan ko pa yung last full show." pamatay kong lines.
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Teen Fiction"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)