A/N:
Namiss ko yung Till The End. Lalo na yung mga characters syempre. Napamahal na ako sakanila e. Whaha! =D
Anyway, this special chapter is requested by the former author of this story. Dedicated to him/her. I love you bakla!! <3
------------------------------------
After 5 years..
Kailan ko bang masasabing malaya na ako sa mga kasalanan ko? Siguro, yun ay pag wala na ako sa mundo. If I could only ask people all over the world kung ano ang nararapat, they woud probably answer - JUSTICE.
"Justice is the quality of being fair & reasonable." sabi sa akin nung amerikanang nurse. Si Nurse Amanda. At nung hindi ako contented sa sinabi niya, tumingin ako sa google. Yun din ang nakalagay. Hayss, di bale. Pag-uwi ko ng Pilipinas, ipapatranslate ko iyon kay Roxanne. Speaking of Roxanne? Ayun.. Lagi kong ka-chat at ka-skype. And I can't wait to see her!
Para sa akin, marapat lang na panghabang buhay na ang sintensya ko dahil sa mga kamaliang nagawa ko sa mga taong nakapaligid sa akin. Marahil, inisip ko lamang ang sarili ko para sa sariling kaligayahan - ang kaligayahang gusto kong magpalaya sa sarili ko. Oo, makitid kasi ang isip ko noon. Akala ko, pakakawalan ako ng sarili kong kaligayahan para lang makamit ang hustisya para sa Papa ko. Nagkamali ako.
"Hindi lahat ng gusto mo ay ikaliligaya mo. Minsan, iyon pa ang makakasakit sa sarili mo." Yun naman ang payo sa akin nung kapwa kong Filipino dito. Si Jason. Matagal na siya dito sa rehab at umuwi na siya sa pamilya niya nang unang linggo ko dito.
Nagpasya ako five years ago na tumungo sa Rehabilitation Center na ito dahil ayaw naman nilang lahat na ikulong ako ng pang habang buhay. Napakabait talaga sa akin ng mga taong itinuring kong kaaway noon. Hindi ko lubos akalaing kung sino pa ang kinamumuhian ko'y sila pa ang tutulong sa akin.
"Choosy mo talaga e ano? Westwood yun! Like duh! Akala mo namang magseselos ako pag may mga amerikanang nurse na umaligid sa'yo. If I know, ikaw lang ang lalandi sakanila!" pagmamaktol sa akin noon ni Roxanne, isang linggo bago ako lumipad patungong Westwood. Nakakatawa talaga siya. Hindi ko na inalala ang relasyon namin noon bilang magkasabwat sa kasamaan dahil inaalala ko na ngayon ang pagbabago ko para magmahal ulit.
Sa kasalukuyan, nandito pa din ako sa Rehab. Like I said, dito ang gusto nila para sa akin at hindi doon sa kulungan na baka ma-tempt pa daw ako at bumalik sa dating gawi ko. Nakakatawa talaga sila. Pero atleast dito, madami akong nagagawang kabutihan. Malayo sa problema, malayo sa polusyon at malayo sa tukso.
"Gusto ko man makuha ang hustisya sa sarili ko, hindi ko na makukuha iyon dahil tapos na yun. Ang hustisya lang na gusto ko ay yung magbago ka na at bumalik ka sa dati... Harry." sabi sa akin ni Akiko nung nagmakaawa ako sakanyang patayin na lang niya ako para makuha ang hustisya. Binatukan pa niya ako noon.
Napalingon ako sa signage ng building bago ako magpatuloy sa paglalakad palabas ng gate.
Westwood Rehabilitation Center
Potek lang! Matagal ko na ang pinangarap na makapunta ako sa Westwood at heto wish granted na nga kaso sa rehab naman! HAHA! Napatingin din ako sa malaking bulletin board.
A Center for Borderline Personality and Emotional Disorders
Right. I have my disability with regards on my personality & emotions. Teka personality ba kamo? Gwapo naman ako ah! Potek talaga! Bakit pa ako nagpa-rehab? And yung sa emotions? Dahil daw yun sa nangyari nung namatay si Papa. Siguro nga dahil dun, nagkaganito na ako. Pero atleast hindi ako na-rehab dahil sa drug & alcohol addict ako. Hehe.
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Novela Juvenil"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)