Taong 1995.
THIRD PERSON’s POV
“N-noo.. Don’t say that honey.. Please be strong… Wag kang bibitaw please..N-noo…” patuloy pa din sa paghagulgol sa iyak si Max.
Halos hindi na makahinga si Cristy dahil mukang malalim ang kanyang mga sugat. Hindi kaagad siya naisugod sa hospital dahil nasa isang mabundok at magubat na lugar sila kung saan sila nagcamping.
“P-please…Just..take..good care..of our sons.. Nagbibi…nata.. na yung..dalawa..*grin* I love you Hon..I love our sons..I…gotta sleep…then…B-bye…” nakayapos pa din ang isang kamay ni Cristy sa muka ni Max pero maya-maya’y bigla na lamang bumagsak sa sahig ang kanyang kamay at nalagutan na nga ito ng hininga.
“NOOOOOOOOOOOOOOO!!! CRISTY!!!!!!!” isang malakas na sigaw ni Max na bumalot sa buong kapaligiran ng isang mabundok at magubat na lugar na iyon.
----------------------------
*Gasping*
*Snake hisses*
Napasandal nalang ang kanang kamay ni James sa katawan ng puno na nasa harapan niya dahil pagod na siya sa kakatakbo.
“H-hindi…H-hindi ko sinasadya…I’m sorry Cristy..I’m sorry…” bulong ni James habang umiiyak.
-------------------------------------------
KURT’s POV
“Pa! Nandito lang po pala kayo. Kanina pa kayo hinahanap ni Kuya.. Saka bakit parang nagsosorry ka kay Mama? Nasaan po siya?” tawag ko kay Papa.
Hindi makasagot si Papa. Hinila nalang niya ako at nagsimula nang maglakad sa gitna ng kagubatan.
“Papa may problema po ba? Saka bakit may dugo yang t-shirt mo?” muli kong pagtanong habang patuloy lang kami sa paglalakad pero wala pa din siyang sagot hanggang sa……..
“HOY!! James! Bumalik ka dito! Walang hiya ka!” sigaw ng isang lalaki na parang galit na galit. Lumingon lang ako kay Papa na may katanungan sa aking muka ngunit nakita kong nanlaki lang ang mga mata niya at nanginginig sa takot at kaba.
*BOOGSSH*
Nagulat nalang ako dahil sinuntok ng lalaki si Papa. Wala akong magawa. Alam kong binata na ako at kaya ko na makipagsuntukan pero hindi ako tinuruan ni Papa na makipag-away. Nakatayo lang ako sa isang tabi na halos hindi ko maigalaw ang buong katawan ko sa mga nakikita ng mata ko.
Nasa ibabaw lang ni Papa ang lalaki at patuloy lang sa kakasuntok sa muka ni Papa. Madaming dugo ang lumabas sa muka nito dahil sa sunod-sunod na pagsuntok ng lalaki sakanya.
Tumayo na ang lalaki at hingal na hingal. Nakatingin lang siya kay Papa at maya-maya’y tinadyakan at sinikmuraan niya pa si Papa. Awang-awa na ako kay Papa pero wala akong magawa.
Alam kong humihinga pa si Papa. Pero mahina na siya. Nakita kong lumingon siya sa akin at nagsalita, “U—umalis..ka..na..anak…”
Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng aking mga luha habang nakatitig sa nakahandusay kong ama, hinang-hina, walang kalaban-laban. Laki kong g*go dahil hindi ko man lang siya natulungan.
Tumitig ako sa lalaking bumugbog kay Papa. Napatingin na din siya sa akin. “Siya ba James? Siya ba ang anak niyo ni Cristy?? Siya ba?!!!!!!”
Nagulat ako dahil sumisigaw na ang lalaki sa sobrang galit. Kung pwede lang na ako ang sumagot na ‘Oo, ako nga ang anak ng mga magulang ko! Sino ka ba?’ Nang hindi sumasagot si Papa, hinigpitan niya sa kwelyo si Papa at hinila ito patayo para lang sikmuraan at muling tadyakan. Paulit-ulit na pagsuntok at pagsisipa hanggang sa nakita ko nalang si Papa na bumagsak sa sahig at tumama ang kanyang ulo sa isang malaking bato na sanhi ng paglagot ng kanyang hininga.
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Teen Fiction"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)