Chapter 39: This is The Truth (Part I)

26 0 0
                                    

MARC’s POV

 Nang nakita kong masaya sina Hans at Witch kanina, mayroon nalang akong biglang naalala..

 *Flashback*

 “ARAAAAAAAAAAAAYYY!!” sigaw ni Hans kay Witch, kinurot kasi niya ito sa pisngi na parang gigil na gigil.

“Cute na cute ka talaga kay Hans. You Witch!” pang-aasar ko sakanya at maya-maya’y tumungo na ako sa isang table. May nakita akong isang babaeng nakatalikod. Akmang lilingon na sana siya sa akin nang biglang maglaho ang mga naaalala ko.

*End of Flashback*

Bigla nalang sumakit ang ulo ko kaya napasigaw ako kanina. Di ko na namalayan na nawalan na ako ng malay ng mga oras na iyon.

Heto ako ngayon, mukang magaan na ang pakiramdam ko.

------------------------------------

ARJUN’s POV

Nasuntok ko kanina si Kuya. I never meant to hurt him pero dugo pa din ni Kurt ang nananalaytay sakanya. Sila pala ang magkapatid noon na naging super close namin ni Marcus. Si Marcus lang naman ang hindi ko naging close kahit anong gawin ko kaya sumama ako sa magkapatid na iyon.

Pero ang mga salitang nanggaling kay Kuya kanina ang sadyang ikinagulantang ko.

Nagagalit ka ba dahil nagsisisi kang sa Tucson Family ka sumama na sa halip ay doon ka sa totoo mong pamilya na hindi ka naman inaruga, pinagtanggol at higit sa lahat ay..hindi ka nila mahal, Arjun!

Paulit-ulit nalang, iyon ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

Oo, nasabi ko sa mga magulang ni Akiko na hindi ako minahal ng pamilya na kinamumuhian nila. Pero ang hindi nila alam, sila ang totoong nagmahal sa akin. Di ko lang masabi na totoong pamilya ko ang gustong-gusto nila dahil malamang hindi sila maniniwala sa akin.

Darating din araw na malalaman nila ang katotohanan.

-------------------------

HANS’ POV

Hindi ako nagkamaling sabihin ang totoo kay Geline. Mahal niya talaga ako. Ganun din naman ako, mahal ko siya kaya nga gusto kong hindi maglihim sakanya. Alam ko namang naiintindihan niya ako eh.

Nakita ko lang sa kanyang mga muka ang pagkalito na para bang hindi makapaniwala habang kinukwento ko ang mga pangyayari.

*Flashback*

[A/N: Sa chapter po ito ng Traitors vs. Patriots]

“I’m dead. I’m free. No one will blame me for what happened.” Dinig ko habang nasa labas ako ng pintuan. Malamang si Kurt iyan. Pero buhay pa pala talaga siya?

“That’s good. It’s my idea, man. Ayaw kasi kita ipahamak. We’re f***in’ brothers.” Sagot ni Sir Stanley. Magkapatid sila???

“Anyway, nakausap ko na si Miss Hysterical, ayun. Siya na daw ang gumagawa ng paraan ngayon para masira ang relasyon ng lovebirds natin.” Sabi ko na ba eh, kasabwat talaga si Roxanne sa lahat ng mga nangyayari ngayon.

Tumahimik ang pag-uusap nila kaya hindi na ako kumatok sa pintuan, pumasok na lang ako para mag-update..

“Well, that’s good. How about yung pakialamero? Sino nagbabantay sakanya? Tapusin niyo na yun. Baka makasira lang sa mga plano ko.”

Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon