Napapitlag kaming lahat sa kung anumang nagbigay ng pansin sa amin para magulat, at napagtantong iyon ay mula sa kinauupuan ni Akiko. Nahulog ang kaninang hawak niyang tasa ng kape. Agad namang nagsilapitan ang mga house maids namin para linisin ang mga iyon.
Labis na nag-aalala ang kanyang mga mata at hindi mapakali sakanyang kinauupuan. Napatayo nalang ako bigla nang tumakbo na sya papalayo sa amin. Sinundan ko siya.
"Akiko!" tawag ko sakanya nang hindi pa sya nakakalayo mula sa aking paningin. Huminto naman siya. "You can tell me the problem." I assured her. "If this is about the girl earlier, then I don't mean to m---"
I was interrupted when she suddenly talked, "I want Harry be home safe right now."
I was about to talk when my phone interrupts, seeing the caller makes me nervous. "It's Rox. Bka nga nakarating na si Harry in an instant. Hehe." pagbibiro ko pa.
"Yes?" I took the call, waiting Rox to respond but it took a minute before I heard her sobs followed by the words that made me vulnerable, "Open your TV..I just watched the news. Di na sya makakauwi..No.."
Napatingin ako kay Akiko at nakatulala sya na hanggang ngayon ay malalim pa rin ang iniisip. I might not have believed her but truth still revealed. "Sweetie, come follow me." I commanded Akiko and good thing she heard me at dali-dali kaming pumasok sa loob para buksan ang TV, still hearing Rox's sobs.
"..nakumpirmang animnapu't pito ang sugatan ang kasalukuyang inilalabas ngayon sa eroplano mula pa kaninang madaling araw. Samantalang nasa labing walo naman ang kumpirmadong patay. Hindi naman makilala ang katawan ng ibang pasahero dahil sa sobrang pagkakalasog nito mula sa pagbagsak ng eroplano. Ayon sa...."
Hindi ko na napakinggan ang iba pang sinasabi sa balita dahil bigla na lamang umalis si Akiko sa tabi ko at namataang lahat na pala ng tao dito ay lumapit na sa harap ng tv screen upang makinig din sa balita. Sinundan ko si Akiko na ngayon ay tumatakbo pa din ngunit patuloy ko pa din syang sinusundan.
"Akiko! Wait up! We're not yet even sure if he was dead. Meron pa naman daw ang nailabas na sugatan dun. Knowing Harry, he's surely strong!" hingal na hingal kong sabi sakanya habang binibilisan ang takbo para pigilan sya. Nasa labas na kami ngayon ng kalsada and I sighed for relief when I saw her stopped running. Napahawak pa ako sa dibdib at hinahabol ang hininga bago magsalita ulit, "We'll come once the bodies arrive in Manila." naglakad na ako papalapit sakanya at niyakap ko siya. Doon ko na lamang narinig ang sobrang paghagulgol nito sa iyak.
*
"...the person who changed a lot and regret about his mistakes..*sobs* I don't know where to source my energy. I mean, we've been through a lot..we became conspirators for a bad plan, ironic life isn't it?... then after pagsisihan ang kamalian, we've realized that not all things we want to get, makukuha natin agad. I really love him so much *giggles*.." naramdaman kong napaluha na din ako sa mga sinasabi nya. Nakwento na din naman sa akin ni Akiko ang mga nangyari simula nang bumalik ang ala-ala ko. Akala ni Akiko nagka-amnesia ako kasi di ko sya kilala at mas kilala ko pa yung Akiko noong bata pa kami..ganun pala iisang tao lang din ang mahal ko noon at mahal ko nung nagka amnesia ako. Life is ironic nga talaga, ika ni Roxanne. Mabait pa din talaga ang tadhana at sa akin pa din ibinigay si Akiko.
Tumingin ako sa katabi ko na ngayo'y naubusan na yata ng luha simula nung dumating ang mga katawan ng mga pasahero sa plane crush. Naalala ko pa nung pagdating namin sa morgue nun...
"Harryyyyyy!" hagulgol ni Akiko nang nakilala ang katawang nasa harapan namin ngayon. Maraming luha ang nailuwa ng kanyang mga mata.Hindi ko lubos maisip na yung taong gumahasa sakanya ay ang taong napakalapit sakanya noong mga bata kami. Ang kinaiinggitan ko noon or must I say ang pinagseselosan ko dahil mas close sila ni Akiko noon kaysa sa akin. Kung ibang tao lang si Harry, matagal nang nicelebrate ni Akiko ang pagkamatay nito dahil para sakanya, isang madilim na landas ang natahak nya nang magahasa sya nito.
Lumingon ako sa kinapupwestuhan ni Rox. There she is, nakatulala na pero ang mga luha nya patuloy lang sa pagbagsak. Hinahagod lang ni Jay ang likod nito at pinipilit na tumayo ngunit hindi nagpatinag. Katabi ko naman ngayon si Hans na nanunuod lang din katulad ko. Alam kong namumula na ang mga mata ko dahil at any time babagsak na din ang luha ko dahil sa trahedyang makakasakit sa damdamin ng mga taong malalapit sa akin.
Si Christian naman, nakayuko at nakasandal ang ulo sa pader habang pinagsusuntok ito. Kanina pa din sya humahagulgol sa iyak. Pinapatahan ito ni Marxia. Once and for all, naging sila din. Pero di ako papayag na mauna silang ikasal. Bago pumunta ng Japan sina Christian, dapat maikasal na kami ni Akiko. Di pa ako nakapag propose kasi balak ko pag uwi ni Harry para kumpleto kaso nangyari naman itong trahedyang hindi namin inaasahan.
Si Geline naman nakayakap lang kay Akiko para kahit papaano'y gumaan ang loob nya. Gusto ko din syang yakapin ngunit hindi na ako makikipag agawan pa kay Geline dahil mas gusto nyang damayan ang kaibigan.
Pinakahuling nahagip ng mata ko ay ang nakapalumbabang si Arjun. Umiiyak na din sya. Alam ko malungkot talaga siya sa nangyari. Naalala ko din nung nagkaalamang buntis si Akiko kay Harry nung nasa hospital kami. Bago pa pala nun ay nagvolunteer si Arjun na pananagutan nya ang baby. Nung una nagtanim ako ng galit sakanila dahil ako na mismong boyfriend nya ay hindi nya nasabihan pero past na yun kaya naintindihan ko na at good thing talaga ay bumalik na ang lahat sa normal, I mean sa dating ala-ala. But of course, thankful pa din akong nagka-amnesia ako dahil madami akong natutunan na hindi ko natutunan noon.
Hinawakan ko ang kamay ni Akiko matapos maalala ang masaklap na pangyayaring iyon ngunit nang makita ko ang engagement ring she wears around her finger, I unconsciously smiled for the fact na kahit ganito ang nangyari ay maeengage na kami. Di pa pumayag si Akiko sa kasal at naiintindihan ko naman yun. Maghihintay pa din naman ako until she's ready.. until even if it's the end. Coz my love for her is until the end and I'm sure that end has no limit.
Tinignan ko siya at nahuli ko syang nakatingin na din sa akin. Nagngitian kami kahit na may lungkot pa din sa mga puso namin. Ang mahalaga lang naman ay hindi na kami maghihiwalay. Ang babaeng pinangarap ko noong makasama hanggang huli ay kasama ko na ngayon at mabubuhay kaming magkasama habangbuhay.
* * * * *
Commercial Break (may ganun na diba?):
They say I'm the seductress queen in town..
I can even seduce the most powerful person on earth..
Even the most religious person I've ever met turns out to be the wild beast on bed just because of me..
"Dammit, Trish! Make it faster! I'm almost there!"
"Tindi mo, girl! Ang muntikan na mag-pari, nakuha mo pa?"
Hindi ko naman sinasadya, basta nalang dumating..
"Bestfriend ng boyfriend nyan, alam mo bang nilandi niya rin!"
Minsan nga lang, hindi ko na kilala ang sarili ko..
"Taena! Dati bestfriend ko! Ngayon kapatid ko naman, Trish! And now you're telling me na hindi mo sinasadya?! Sinong susunod ha, pinsan ko? Tito ko? O baka naman pati tatay ko?"
Hindi ako malandi. They just see me that way because this is what they wanted me to become!
Kasalanan ko bang sa simpleng paggalaw ko, pagtingin ko o pagsasalita ko ay agad naman silang lalapit sakin?
Not being conceited, this is the way I am.
"I love you, Vince. Hindi ako NAGING maduming tao kung pinaglaban ko sana ang sarili ko noon. In fact, I couldn't have been this tough kung hindi ko mararanasan ang mga ito...
NANG DAHIL SA'YO...."
Soon on Wattpad.
Written by: Eiichiko
Visit my works for future updates. =)
–------------------------------------------------
Author's Note:
Till here na lang muna ang special update ko. Not sure if icocontinue ko pa ang susunod. Kayo nalang ang bahalang mag-anticipate sa susunod na eksena para walang sisihan kung bakit kesyo ganito ang ending, blah.blah.
Okay, enough na.
Abangan niyo nalang ang iba ko pang works. Salamat :)
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Roman pour Adolescents"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)