Chapter 19: The Special Event

50 0 0
                                    

A/N:

Kung nakapunta na kayo or familiar kayo sa Poracay Beach Resort, iignore niyo nalang kung ano yung mga nabanggit ko to describe the resort kasi iniba ko talaga.. LOL! pero maganda dun. Try niyo.. Hehe..  =D

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AKIKO's POV

Kinakabahan yata ako. Parang ikakasal lang? Hehe.

After kasi ng rehearsal nila Marc kanina, umalis kami ni Geline para mag-ayos. At kakausapin din kasi sila ng manager ng bar para sa set-up nila sa gig mamayang gabi eh.

Tumawag si Marc kanina na magkita kami sa labas ng hotel para sunduin ako papunta sa resort.

Pinagmamasdan ko ngayon ang sarili ko sa salamin. Everything's perfect - my eyes, my nose, blushes and my lips. The dress is also appropriate with my looks. Yeah, I'm now wearing the dress that Marc has given me. Kulay balat ang dress, tube-type at hanggang tuhod ang haba niya. Heels nalang and I'm done!

Pagtapos kong mag-ayos, nauna na si Geline kasi niyaya siya ni Hans sa sea side. Magtatapat na siguro si Hans sakanya. Hehe.

Hinihintay ko nalang yung oras. Malapit na mag-7pm. Excited na ako. Hehe.

Maya-maya'y bumaba na ako. 6:45 pm pa lang yata pero okay lang. Lagi naman maaga yun si Marc eh. Nung nasa lounge na ako, kitang-kita ko sa salamin ang dilim sa labas. Madilim na pala talaga. Di bale, 5-10 minutes lang naman kapag nilakad papunta sa resort at kasama ko naman si Marc kaya no worries. Halos magkatabi lang kasi yung resort at hotel.

Nung palabas na ako sa lounge, may nakita akong nakatalikod, alam kong siya na yun. Tindig palang niya, gentleman na talaga. Masyado naman yata siya formal? Naka-black coat pa siya, black slocks at black shoes.

"Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko.

Lumingon siya sa akin. Pero bago ko tignan ang muka niya, nakuha ng bouquet of flowers ang attention ko. Wow. How sweet. 

And nung makalingon na ako sa muka niya...

BOOOOMMMM!!!

Hindi pala si Marc.

Pahiya much? Anu bayen!! Kakahiya. Malamang kung may salamin sa harap ko, nakita ko na sigurong namumula ang muka ko!!! Akiko naman!!!

Pero kilala ko siya eh!!! Kilalang-kilala!!!

"Akiko?" tanong niya.

Slow process ang utak ko...

Loading...

Buffering...

Teka...

ARJUN?????

Is that you????

"Ahh.. ehhh.. sorry huh.. Akala ko ikaw yung..." paudlot-udlot kong sabi sakanya at natatawa nalang ako. Pero napatigil ako sa pagsasalita nung nagsalita siya..

"No, it's okay. Nice to meet you again.. It's been years.. Kamusta kana?" napangiti nalang siya at tinititigan ako sa mga mata ko. Shocks.. natutunaw na yata ako..

Di ko maamin na kapag nakikita ko siya, natutunaw ang kaluluwa ko. But for sure, di ko na siya mahal! HINDI NA!! May MARC na ako remember?? Past is Past!

"Okay naman. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" alam kong weird na itanong sakanya kung anong ginagawa niya dito kasi di naman ako ang may-ari ng hotel na ito at sadyang maliit talaga ang mundo kaya posibleng magkita pa kami.

Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon