Chapter 42: Amnesia???

28 0 0
                                    

STANLEY’S POV

Adoption Paper. Yeah. Ako nga ito, pangalan ko ito! Tama si Kurt, ampon lang ako. Bakit hindi ko alam ito? Bakit si Kurt alam niya ito? Well, nung namatay kasi si Mama at Papa.. nakituloy kami kila Auntie Laila. Siya yung kapatid ni Papa. Tapos alam pala ni Auntie na ampon lang ako. Binigay daw ako sakanya ng mag-asawang galing Japan. Ibig ba sabihin nun, lahing hapon ako? Tsk.

“Sorry Stanley ha? Tinuring naman kitang tunay na anak. Mahal kita anak.” Malungkot na sabi sa akin ni Auntie Laila. Mahal ko din naman si Auntie kasi siya ang nag-alaga sa amin ni Kurt hanggang ngayon.

Tumango lang ako at niyakap si Auntie.

-----------------------------------------

MARXIA’s POV

“M-marc? A-anong…Paanong…Hindi mo na ako kilala?” naiiyak na tanong ni Akiko kay Xian. Naku, naawa naman ako sakanya. Mukang mahal naman niya ang kapatid ko pero lalo niya lang pinahirapan.

Alam kong mahal ni Xian iyang babaeng iyan. Kasi nga diba, naging blood donor siya niyan? Nakalimutan lang niya na hindi siya pwedeng magsalin ng dugo. Bobo lang ng nurse at doctor sa hospital na ito kasi hindi nila nalaman na may malalang anemia si Xian. Hayss. Pero seriously, bobo talaga sila ha?

“Huy Witch ano ba? Sino siya?” sumisigaw na siya sa akin. Naku, bumabalik siya sa dating SIYA. Hayss.

Nakita kong paatras ng paatras yung babae papalayo sakanya at patuloy na umiiyak. Nakita ko din na nagising na si Roxanne kaya napalingon ako sakanya at sumenyas ng isang ‘TIGNAN-MO-SI-XIAN’ look.

“Babe!” sigaw ni Xian kay…

kay Roxanne?

Nagulat tuloy si Roxanne kaya napatayo ito at lumapit kay Xian. Niyakap siya ni Xian. Hayss. Si girl naman nag-walk out na.

So it means si Xian ay???

------------------------

AKiKO’s POV

Takbo dito. Takbo doon. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Patuloy pa din sa pag-uunahan ang mga luha ko sa pagbagsak.

Hindi ko alam ang nangyayari ngayon. Hindi ko alam kung bakit nagkaganoon si Marc. Nasasaktan ako. Sobrang sakit lalo na kapag ang taong mahal mo bigla ka nalang tatanungin ng ‘Hey who are you?’

Nagka-amnesia siya? E paano nangyari yun. Ni hindi nga siya naaksidente ah! Ako kaya yung naaksidente. Ako nalang sana yung nagka-amnesia!

Narinig ko pa yung ‘BABE’ na tawag niya mismo kay Roxanne! Nasaktan na nga ako sa ginawa nila noon tapos heto ako ngayon nanlulumo at halos mamatay na sa nalaman ko. Ito na nga yung time na tanggap ko na yung mga nangyari noon diba? Ito na nga yung time na inakala kong magiging maayos na ang lahat! Ito na nga yung time na babalik na ang lahat sa normal. Pero ano?? Lalo lang akong nasasaktan.

“Akiko?” napatigil ako dahil may tumawag sa akin mula sa aking likuran.

Hindi ako lumingon. Sa halip ay huminto lang talaga ako at nakatayo pero patuloy lang ako sa pag-iyak.

Naramdaman kong papalapit siya sa akin. This time, nakita ko na siya sa harapan ko pero hindi ko pa din alam kung sino siya. Tanging mga paa niya lang ang nakita ko dahil nakayuko lang ako para hindi niya malamang umiiyak ako.

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. Isang napakamahigpit na yakap. Yun bang parang ang tagal naming hindi nagkita. Kumalas ako sa pagkakayakap niya at namataan kong si Sir Stanley pala yun. Anong ginagawa niya dito?

Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon