AKiKO’s POV
Wala pa din akong balita kay Kurt. Baka nga patay na siya. MURDER nga ang inaaccuse sa akin nung may ari ng resort eh.
Sa tingin ko hindi pa alam ni Marc ang totoong mga nangyayari. Hanggang ngayon, nananatili pa rin siyang inosente sa lahat ng bagay. Oo, nalaman niyang napatay ko si Kurt pero hindi niya alam kung anong dahilan ko. Mabuti nalang siguro na lumayo na ako sakanya at ganun din siya sa akin. Baka nga sinabi niyang di na niya ako guguluhin kasi baka natakot siyang mapatay ko din siya. Hayss.
Hindi ko pa dapat sabihin sakanya ang nangyari sa akin. Dahil pag nagkataon, kahit patay na si Kurt, kukunin niya yung bangkay at tuluyan iyon durugin sa sobrang galit niya. At isa pa, hindi na niya ako makakayanang iwang mag-isa. Kilala ko siya, hindi siya aalis sa tabi ko pag may nangyari sa aking masama.
Nung nakiusap si Marc na kausapin ko siya, hindi pa din ako humarap sakanya. Ayokong humarap sakanya ng may galit sa kalooban ko. Gusto ko munang maayos ang lahat pero sa tingin ko…hindi na maaayos ang relasyon namin. And besides, I have 7 days left para mag-decide, pero buo na ang decision ko.
Mag-isa ako ngayon sa kwarto simula nung umalis si Marc kanina. Alam kong matagal siyang naghintay sa labas ng pintuan para kausapin ko siya pero kahit maghintay pa sya magdamag, di ko pa din kayang humarap sakanya. Higit sa lahat, ayokong malaman niya ang tungkol sa agreement.
Habang hawak ko ang agreement na binigay ni Roxanne, nais ko itong lapirutin, punitin, sunugin..Pero ito ang magpapatunay na mahal ko si Marc. Mahal na mahal ko siya kaya ayoko siyang madamay sa mga nangyari sa akin. Oo, alam kong may kasalanan siya..pero hindi ko pa din matiis ang sarili kong mapatawad siya kaagad. Alam kong hindi niya yun sinadya pero I still have to do this. Hindi katumbas ng kasalanan niya ang naging kasalanan ko. I deserve to take this challenge.
Nakakatawa lang kasi masyado kong sineseryoso ang agreement na ito. Di naman kasi ito ang agreement na para sa business, bahay, ari-arian, trabaho at kung anu-ano pa.. This is an agreement about relationship. Natatawa talaga ako pero wala na akong magagawa dahil notarized ito at dumaan ito sa attorney, at isa pa..may nagawa akong taliwas sa batas ng bansa.
Muli ko itong binasa. Sa tuwing matatamaan ng mga mata ko ang papel na ito, yung section 1 nalang lagi ang nauuna.. malamang section 1 nga eh.. kaso ito kasi yung pinaka-nakakainsulto sa lahat.
Section 1. DISCLOSURE & DEFINITION OF RELATIONSHIP
This is a non-disclosure agreement. It means, confidential pala talaga ang agreement na ito. Nang binasa ko ang laman ng first part na ito, naka-indicate dito na hindi dapat malaman ni Marc ang mga nakasulat sa walang kwentang papel na ito. Yung last line ang pinakamasakit. Full disclosure would only takes place as soon as second & third party signed the marriage contract.
Yung second party si Rox and yung third party si Marc. May freedom na akong ibunyag ang agreement na ito sa buong mundo pag nagpakasal na sila. Parang unfair lang diba?
Actually, ito yung first step na ginawa ko since nung ma-receive ko itong agreement paper ni Roxanne.
Section 2. BOUNDARIES
This is the second step na ginagawa ko presently para masanay na ako. Dito naman naka-indicate ang boundary ko kay Marc, sakanila ni Roxanne. Kapag nagpakasal na sila, hindi na dapat ako lumapit pa sakanila. Para na din nila akong binigyan ng PERMANENT restraining order. Tss.
But of course, hindi ko naman daw dapat ipag-alala ang tungkol dito dahil sa susunod na section.
Section 3. ADVANTAGES & DISADVANTAGES
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Fiksi Remaja"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)