Chapter 24: Conspiracy Continues

47 0 0
                                    

ROXANNE’s POV

Ganun? Iwanan ba naman ako sa ere? Pero atleast effective ang pagsisigaw-sigaw ko dito diba? Sakto bumungad sa paningin ko si Akiko kaya ko naisigaw na may nangyari sa amin ni Marc.

I’m happy now.

Pero teka? Paano siya nakatakas sa puder ni Kurt? Nasaan na ba yung Kurt na iyon? Matawagan nga.

Dialing Kurt…

RING!

RING!

RING!

Nakakailang ring na wala pa din sumasagot sa phone niya. Lokong iyon tinakasan yata ako! Di pa kami tapos! Pero sabagay, di ko na din siya kailangan since alam na ni Akiko ang lahat.

“Rox.” Tawag ng isang boses ng lalaki galing sa likuran ko. Si Jay pala.

Lumingon lang ako at naghihintay ng sasabihin niya.

“May problema. Sumama ka sa akin. Halika.” Yaya sa akin ni Jay. Bakit anong problema? At saan kami pupunta?

Malayo din ang nilakad namin. Mula sa reception hanggang sa dulo ng sea side, hanggang sa makarating na kami sa pinakalikod ng resort. Alam ko na, dito yung lugar na sinasabi ni Jay kung saan itinago si Akiko.

Nung nakarating na kami sa isang kwarto, isang lalaking nakahandusay ang bumungad sa paningin ko. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang umubo at sumuka ng dugo yung lalaking iyon. Yuck!! Eww!!

Si Kurt.

“Anong nangyari? Ewww..” nasusuka na ako dahil sa dami ng dugong nailalabas niya sa kanyang bibig at tinakpan ang ilong ko para di ko yun malanghap.. Pati buong katawan niya puno ng dugo!

“S-si…A..A-r…Ar…j-u..n..” di ko maintindihan yung sinasabi niya. Ano daw? CR dun? Ano? NaCCR ba siya?

“H-ha…na..pin nyo…yung…ha…y..op na..yun…” sabi pa niya. Hayy ewan ko sayo wala akong maintindihan sayo!!

Nawalan na ako ng gana kaya tumalikod na ako and I should get out here!!

Pinigilan ako ni Jay sa braso ko at nagsalita, “Ano bang pinag-usapan niyo ni Kurt? Bakit humantong sa ganito?”

Nagkunot noo ako at nag-isip. Ano nga ba ang pinag-usapan namin?

**Flashback**

Paano ko ba siya macoconvinced? E hindi naman kami magkakilala, ni hindi pa kami nagkakausap kahit isang beses. Pero teka, nakausap ko na pala siya noon. Kailan nga ba yun?

As far as I know, nakilala ko lang siya dahil siya lang naman ang lalaking lagi kong nakikita sa labas ng campus at sumusunod-sunod kay Akiko na parang buntot nito. Kaso iniiwasan lang siya nito.

Nung acquaintance party, nakita ko din siya. At doon na ako nag-attempt na lapitan siya.

“Seryoso ka talaga kay Akiko ano?” tanong ko habang siya’y nakatalikod sa akin.

Humarap siya’t sinagot ako, “Wala kang pakialam.” Aba naman, napaka-walang modo pala ang lalaking ito e? Di niya ba alam kung sinong kausap niya ngayon? Hayss.

“Meron. Ako lang naman ang girlfriend ng lalaking nanliligaw kay Akiko.” Sagot ko. Tinaas ko ang kilay ko nang hindi pa siya makapagsalita.

“Ano naman?” napa-smirk nalang siya at tumitingin-tingin pa rin sa gate. Madami nang pumapasok sa loob dahil mag-uumpisa na yung program pero wala pa din si Akiko.

Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon