THIRD PERSON’s POV
Nandito ako ngayon sa isang coffee shop malapit sa bahay. Alam kong madaming Connorians ang malapit din dito. Bahala na kung madaming makakakita sa akin dito. Tanging shades ko lang ang tumatakip sa akin ngayon. Si Jun-Jun lang naman ang kakausapin ko, at isa pa wala siyang alam sa mga nangyari noon.
Nakipagkita ako dahil gusto ko na niyang malaman ang lahat. Alam kong maniniwala siya sa akin dahil simula pa lang, magkasundo na kami. Ngayon, I’m just here for him. As his true brother.
Hindi ko pinapahalatang panay ang tingin ko sa paligid, baka may nagmamasid sa akin. Alam ko kasing makakasama sa imahe ni Jun-Jun ang makita siyang kasama ako. Hindi pa din lingid sa isipan ng iba ang nagawa ko noon. Kapag nakita nila ako, muling babalik ang issue na ayaw ko nang balikan pa.
Napayuko ako sa relo ko. Thirty minutes na pala akong naghihintay dito. Nasaan na kaya siya?
“Kuya.” hindi agad ako napatingala sa kinaroroonan ng boses na iyon. Sa una’y kinabahan ako, baka kasi hindi siya ang hinihintay ko.
Pero dahil sa lukso ng dugo, agad kong nahulaan ang boses na iyon at dahil na din syempre sa pagtawag niya sa akin ng ‘KUYA’. Boses ng kapatid ko. Nakakagaan sa kalooban. Damn I miss him so much. Siya nalang kasi ang natitirang pamilya ko.
Napatingala na ako at ngumiti. Tumayo ako at yumakap sakanya.
“Maupo na tayo. Namiss kita bro. Kumusta kana?” umupo na kami at agad ko siyang nginitian habang hinihintay ko ang sagot niya.
Napayuko siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit at lungkot. Hindi kaya alam na niya ang nangyari sa issue ko noon? Diyos ko, wag naman sana.
Iniba ko ang usapan. “How’s your work with the hotel?”
Nakita kong tumingin siya sa labas. Ang mga tingin na iyon ay isang tingin sa kawalan. Napa-squint siya at tumingin sa akin.
“Good. Medyo busy lang these past few days.” Sagot niya. Sabagay, kaka-stress talaga maging NEW CEO ng isang hotel.
“Ganun talaga. It’s part of your job. Anyway, kailan ka pala umuwi galing Australia?” tanong ko. Alam ko kasing natuloy siya noon nung naghiwalay sila ni….I don’t want to think her name anymore. Sounds guilt.
“I just arrived two months ago. I’m sorry hindi agad kita tinawagan.” Sagot niya. So kararating niya lang din pala. Matagal din pala siya sa Australia kung ganun.
Napatango nalang ako. “I see. Miss, Caramel Macchiato for two please.” Umorder na ako ng coffee para sa amin. Namiss ko yung coffee bonding naming magkapatid.
“So what about this meeting, Kuya?” tanong niya. Oo nga pala, nakipagkita ako sakanya dahil sa isang importanteng bagay na dapat na niyang malaman.
“Well..before that..gusto ko muna ma-confirm from you about the prevailing issue..is it true that Akiko’s pregnant?” nakatingin na siya ng derecho sa akin nang nabanggit ko ang pangalan ni Akiko. That issue is really prevailing. Active kaya ang tenga ko pagdating sa mga ganyang issue.
Alam ko masakit pa din sakanya ang nangyari sakanila noon pero kailangan ko munang ma-confirm na totoo nga ang pinagsasabi ng mga hayop sa paligid.
“Who told you about that?” tanong niya. Parang nawala siya sa sarili niya. Bumalik ang takot at galit sa mga muka niya.
Napansin kong padating na yung waitress na magseserve ng coffee namin. “Thanks.” Pasalamat ko sa waitress at binigay ko na ang isang coffee kay Jun-Jun.
![](https://img.wattpad.com/cover/3383464-288-k99230.jpg)
BINABASA MO ANG
Till The End (Complete)
Teen Fiction"You've come to see that you're the one till the end." - Sino kaya ang taong dumating sa buhay nya para makasama habang buhay?? Si Past o si Present? One of them can be her Future. (Sa mga sumusubaybay, I changed the cover photo. Hope you like it)