Chapter 28: Too Late

53 0 0
  • Dedicated kay aikodashou17
                                    

MARC’s POV

Hindi ko talaga maintindihan yung mga pinagsasabi ng lalaking iyon! Si Akiko sasaksak ng tao? Bakit naman niya gagawin yun? Saka nakidnap lang naman siya. Di naman siya nagahasa ah.

[A/N: For clarification, di po alam ni Marc na na-rape si Akiko. Ang sinabi lang kasi ni Hans sakanya, kinidnap siya. Abangan niyo yung pag-uusap ni Marc & Hans later..]

Hindi magtatangkang pumatay ng tao si Akiko nang ganun-ganun lang. O baka naman kasi tama si Arjun sa sinabi niya kanina na niligtas lang ni Akiko ang sarili niya kasi baka papatayin siya ni Kurt? Pero di magagawa yun ni Kurt sa babaeng kinababaliwan niya. Malay ko ba, baka mamaya sa sobrang kabaliwan niya kay Akiko…ay ewan! Ayoko na mag-isip ng kung anu-ano basta bukas, pupuntahan ko si Akiko.

It’s around 3A.M. Nakauwi na ako’t matutulog na sana ako pero hanggang ngayon ang lalim pa din ng mga iniisip ko. Walang humpay sa kakatakbo ng utak ko dahil sa mga nangyari.

Hindi na ako matutulog! Psh! Kaso haharap ako kay Akiko bukas, dapat hindi ako magmukang bangag sa harapan niya. Sige na nga, matutulog na ako pero itetext ko nalang si Akiko na pupunta ako bukas.

To: Sweetie

Sweetie..I miss you..Please talk to me soon..I can explain anything further.

MESSAGE SENT.

Ayoko munang sabihing pupunta ako bukas, baka iwasan niya ako at layuan.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maaga akong nagising. Pero buti nalang may tinulog pa ako kanina kahit 3 hours lang.

Humarap ako sa salamin bago ako lumabas ng bahay. Alam ko sa sarili ko naging pabaya akong boyfriend kay Akiko pero hindi ko hahayaang masira ang pinagsamahan naming dalawa dahil lang sa walang kwentang bagay. Di ko hahayaang masira ang relasyon namin. Mahal ko siya. Mahal na mahal at hindi magbabago iyon.

“Tsss.. Gwapo ka na!! Aalis ka? Aga-aga pa oh. Kain ka muna ng almusal.” Sigaw ni…sino yun? Pero mukang familiar yung boses niya.

Pumunta ako sa kusina para tignan kung sino ang nagsalita. Di naman kasi ganun ang boses ni Manang Salve eh.

Nagulat ako nang nakita ko siya. Unexpected. Umuwi siya dito? Bakit?

“Surprise. How’s my handsome Xian?” lumapit siya sa akin at nakipag-beso.

“A-anong ginagawa mo dito? Diba sabi mo…--” gulat kong sabi pero hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.

“Yes, I said I can’t live here. I don’t think I can live with Philippines’ pollution. But of course, I just…I just really missed you. Don’t you want me here?” mahaba niyang sabi sabay nag-pout. Hayss, parang bata pa din kahit matanda na! HAHA!

“Of course.. Of course.. I want you here.. I’m just surprised.. But what made you brought here?” tanong ko sakanya.

“Well, swap kami ni Dad. Nagalit siya nung nalugi yung company natin sa Vancouver dahil daw sa pagiging careless ko. Kaya hayan sabi niya pauuwiin niya ako. Alam niya kasing ayoko dito. Hays.. pero atleast nakita na ulit kita.” Paliwanag niya sabay yakap sa akin. So nasa Vancouver na si Dad ngayon? Tss. Wala talaga yun pakialam sa akin.

Humiwalay siya sa pagyakap sa akin at niyaya akong mag-breakfast pero tinanggihan ko siya kasi kailangan ko na puntahan si Akiko. Babawi nalang ako sakanya mamaya pagdating ko.

Till The End (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon