Chapter 2

133 17 4
                                    

Chapter 2

Napangiti ako ng mapait nang maalala ang araw na iyon.

The day when I was about to talk to him but I was deterred. Maybe by the fate? Isang paalala na isang peligro ang susuungin ko. Kung alam ko lang ang mangyayari kalaunan ay sana hindi na ako muling sumubok na lapitan at kausapin siya.

Nagtiim bagang ako habang namimili ng mga bulaklak para sa lalaking iyon. He should pay me double. He's taking a lot of my time!

Well, my work here isn't really wefty.  Nag-iikot ikot lang at paminsan-minsan ay tumutulong din sa pagtatanim. Madalas ay nasa kubo o opisina lang ako. So picking out flowers isn't really a big issue.

Nakakainis lang! Why wouldn't I be? That guy is my freaking ex-boyfriend! Dumayo pa rito, because it seems to him that the flowers in our shop isn't fresh at all! Mas gusto niya iyong bagong pitas, gano'n kakapal ang mukha niya!

Sarap sampalin ng lupa.

At siguro'y kaya gusto niya ng bagong pitas dahil ibibigay niya iyon sa kaniyang kasintahan– I shouldn't care about that thing anymore.

E 'di ibigay niya.

Magmahalan pa sila. I don't care.

Padabog akong naglakad patungo sa kubo kung saan sila nakatambay. Probably, waiting for me. Hindi ko na inalintana ang nakakainis na pagpintig ng aking puso.

"Here." malamig kong wika.

He gently took it from my hands. Mabilis ko naman iyong iniwas nang maramdaman kong dumampi ang kaniyang mga daliri sa akin.

"I'm sorry."

I almost rolled my eyes.

"Whatever." bulong ko na hindi ata narinig.

Si Ruco ang nakarinig ata dahil napangisi pa ang hangal.

Binilisan ko talaga ang pagpitas para makaalis na kaagad siya. I just can't get Ruco. Kung bakit nagawa niya pang makipagkwentuhan, kaya tuloy mas napapatagal pa rito ang lalaking iyan. Kung tanggalin ko kaya siya rito?

And I just can't understand myself as well. Puwede naman akong umalis pero heto at kunwaring nag-aasikaso ako ng mga bulaklak sa malapit.

"Magtatagal ka ba rito o aalis lang ulit?" si Ruco.

Natahimik si Sahil. Umirap ako sa kawalan. Of course he'll leave again!

"Magtatagal." he answered.

"Ah. Business?" usisa pa ni Ruco.

"Yes. My business."

At kailan pa siya nagtayo ng business dito? Wala naman akong nababalitaan- wala akong pakialam.

Padabog akong naglakad palayo sa kubo. Might as well go home. Mukhang wala na atang balak lumayas ang lalaking iyon.

"I think, I should go." rinig kong wika niya kaya napatigil ako.

Mabuti naman pala at nakahinuha na siya. I don't want him here. At sana naman 'wag ng bumalik. If he doesn't want to buy flowers in the shop, then he should find another flower plantation to bother. I won't entertain him next time.

There's no freaking next time!

I frowned when I heard his footsteps. Binilisan ko ang lakad para hindi kami magpang-abot. Baka ano pa ang masabi ko.

Halos lakad-takbo na ang ginawa ko para mabilis na makalabas sa plantasyon. I immediately walked towards my parked car. Doon ako nakahinga ng maluwag.

"Damn it."

When the Flower Withers (El Diego #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon