Chapter 35

77 4 1
                                    

Chapter 35




When our eyes met, I almost lose it. Ikinuyom ko ang aking mga palad at napamura ng palihim. Ang inipon na lakas kanina ay unti-unti ng naglalaho.

Tahimik ko siyang pinagmasdan pababa sa kaniyang mamahaling sasakyan.

Nakaputi rin siyang t-shirt. Magulo ang buhok. Malamlam ang mga mata, at ang labi, mapula. Napalunok ako at umiwas ng tingin. I opened the gate then I hastily turned my back. Mabilis ang lakad ko papasok muli sa aming bahay.

I honestly don't know what to say. Ang sungit-sungit ko sa kaniya noong mga nakaraang araw. Ni hindi ko kayang tingnan dahil sa aking pagkainis. Ngayon ay tila umiba ang ihip ng hangin at nasaniban ako ng kaunting kabaitan. Of course! I have a favor to ask from him! Sino'ng hindi babait?

"So... this is where you live." aniya sa likuran ko.

Nahagip ko ang aking hininga. Muntik ko ng sagutin ng...

"Hindi ba halata?" Good thing I realized that it wasn't a question but a statement.

I cleared my throat then I glance at him. He's eyeing the house. Tumagal pa ang tingin niya sa picture kong nakasabit sa pader. I don't know if I really saw wonderment in his eyes. Hindi ko na inintindi pa.

Itinuro ko ang malawak na living room. "You can sit there."

Hindi ko na ulit siya matingnan. I already glanced once. No way I would repeat it. Nakakawasak ng dibdib.

"Okay." tipid niyang sagot.

Tumango ako at akmang maglalakad na patungo sa kusina nang marinig ko siyang tumikhim. I glanced at his place. Mahigpit kong pinigilan ang sariling tumingin mismo sa kaniya.

"Saan ka pupunta? Sit here with me, Ralae."

Itinago ko ang panlalaki ng aking mga mata.

God. What's with this damn heart?!

"K-Kukuha lang ako ng makakain..."

"Kakain tayo mamaya. Let's talk first." halos mapairap ako sa lambing ng boses niya.

Ayaw ko siyang paluguran. Ayaw ko siyang sundin. Ayaw kong maging sunod-sunuran ulit. But why the hell did I just found myself sitting beside him?! At hindi ko pa talaga naisip na umupo sa kabilang sofa?!

Hindi ko na alam kung ilang beses na akong tumikhim. I cannot stop myself. Gustuhin ko mang tumayo at lumipat ng upuan, hindi ko na magawa sa sobrang pagkapahiya. But I don't seem funny to him. Sa gilid ng mata ko ay tanaw ko ang lumiliwanag niyang mga mata kakatingin sa akin. Ang kumikibot na labi na tila pinipigilan lang ang ngiti. He's the one who seems funny here, hindi ako!

"H-Hindi ka ba nagugutom?" lakas loob kong tanong.

Sa totoo lang wala naman akong pakialam. He's my visitor. Kailangan talagang itanong iyon, hindi ba?

I saw how his lips twitched. Nasisiyahan ba siya? Iniisip niya bang concerned ako? Hah! I'm not.

I cleared my throat for the ninth time.

"I'm not concerned." His eyes narrowed, looking at me. Naisip kong magpatuloy. "Kung... 'yon ang iniisip mo. You're wrong."

He chuckled. Pero mukhang masama naman ang loob.

"I'm thinking of how... kind and... welcoming you are."

Nagkatinginan kami.

His stare is intense. Mukhang may nais pang ipahiwatig. Nananantiya rin. It's like he's telling me what he really feels.

When the Flower Withers (El Diego #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon