Chapter 25

62 3 3
                                    

Chapter 25



"There..." aniya sa namamaos na tinig. Ang mga mata ay nakatutok parin sa aking leeg. When he felt that I was staring at him, his eyes shifted to me.

Umiwas ako ng tingin dahil ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. He licked my neck! May ideya na ako kung bakit niya iyon ginawa ngunit hindi ko maproseso sa aking isip na kaya niya palang gawin ang bagay na iyon!

I thought he's very shy and he cannot do something intimate with me! Gano'n siya eh. Tahimik at hindi halatang kaya palang mangdila ng leeg. Naalala ko pa'ng sinabi niyang magdadahan-dahan daw siya...

Damn it Sahil... ginulat mo na naman ako.

But deep inside me. I like it. Napalitan ang nakakasuklam kong ala-ala kahapon. Fredo's kiss was immediately erased and was replaced by Sahil's...

Tumikhim ako at nagbalak sanang tumayo nang higpitan niya ang pagkakahawak sa aking baywang.

"Tatakas?" malambing niyang tanong.

"You licked my neck..." I mumbled absentmindedly.

Pinagsisihan ko agad iyon dahil sa nakitang pag-angat ng kaniyang labi na tila namamangha at handa ng mang-asar. This Sahil in front of me is really different! Malayo sa Sahil na tahimik at–

"Next time I'll kiss it..  then I'll leave a mark." walang preno niyang wika.

I gasped inwardly. Hindi agad nakahanap ng isasagot.

"Hindi ko pala kayang magdahan-dahan, Raquelle. Not when someone already made a fucking damn move. Inunahan na ako. I'll lose if I'll take it slow..." 

He was handsomely serious. Umiigting na naman ang panga at tila may sama ng loob na kinikimkim. Ngumisi ako at tumango sa sinabi niya. Pabor ako roon. Why would we take it slow? Nagpaparamdam na nga ang mga kontra sa relasyon namin. I will not let them ruin us. Hindi ako papayag. I'll not let them control us. Lalo na si Nova. Farewell to our friendship. I will never lose to her, not ever.

Akin lang si Sahil.

"Can I be your girlfriend?" walang preno ko ring wika. Hindi na inisip pa ang kahihiyan na matatamo pagkatapos.

Nakita ko ang pagdaan ng kaniyang dila sa ibaba niyang labi. He wetted it. Tila nang-aakit pa sa ginawa kaya napatitig ako roon at nakalimutan panandalian ang sinabi. Kung hindi ko lang narinig ang kaniyang tikhim ay hindi mapuputol ang tingin ko sa mapula niyang labi.

Damn. Nakakahiya ka Raquelle!

"Look at me first, baby. Gusto ko ring halikan ka, but let us talk first hmm..."

Umiwas ako ng tingin... Rin? 'Gusto ko rin' sabi niya? I didn't say that I wanted to kiss him! Tss.

Nang hindi ako humarap sa kaniya ay siya na ang gumawa ng paraan. Ibinaling niya ang aking ulo paharap sa kaniya. His hand stayed on my cheek. Para siguro hindi na ako libreng makaiwas ng tingin.

"I should be the one asking that, Ralae..." his lips twitched, obviously hindering his smirk to come out. "You're already aware about my feelings. But I wanted to say it again." tuluyan ng lumitaw ang kaniyang guwapong ngisi.

"I like you so much, Raquelle. I wanna be selfish. I wanted you all mine for myself. Hindi pa naman iyon puwede..." kinagat niya ang ibabang labi. "Hindi ka pa puwedeng asawahin kaya girlfriend nalang muna. Can you be my girlfriend?"

"Oo..." walang pag-aalinlangan kong wika. "Gusto rin kita. Gustong-gusto."

Umangat ang kaniyang kilay tila namamangha na naman sa narinig.

When the Flower Withers (El Diego #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon