Chapter 27
Everything turned back to normal, I can say.
Nang umuwi sina Mommy ay masigla na silang muli. Hindi na mukhang problemado kaya pansamantalang nawala ang bigat na nakadagan sa dibdib ko. It somewhat coincided with the passing wind.
Panatag na ako.
Wala akong alam sa kung anong nangyari pero maayos na sa akin ang makitang maayos na sila.
Nang magpasukan ulit ay tuluyan na akong lumayo kay Nova. We're seatmates but I decided to exchange my seat to our classmate who is sitting far away from Nova. Hindi na kami nakapag-usap at mas piniling layuan nalang ang isa't-isa. Though I sometimes hear her mockery. Hindi ko nalang pinagtutuunan ng pansin.
Gano'n hanggang matapos ang taon. Hindi ko na dinibdib dahil may mga kaibigan pa naman ako. Sina Kaira na minsan ay nakakasama niya rin. Mas madalas nga lang silang magsama-sama dahil tumatanggi ako kapag inuman na ang usapan.
Nadala na ako...
Baka ano na naman ang mangyari eh. Lalo na't may nadagdag ng lalaki sa barkada nila. Mas lalo lang akong pinagbawalan ni Sahil na sumama sa kanila kaya kami nalang palagi ang magkasama. Doon kami palaging tumatambay sa panghuling kubo, nagkukuwentuhan at minsa'y ginagawa ang kinaaadikan niya. Namin.
Bakasyon. Madalas muling umalis sina Mommy kaya si Sahil na naman ang kasama ko sa bahay. Hindi pa alam nina Mommy ang relasyon namin. I'm not planning to hide it, pero sa ngayon ay gusto kong sekreto muna iyon. I know they won't get mad. Hindi nga sila nagalit sa mga naging isyu ko noon sa lalaki. For sure, introducing Sahil as my boyfriend won't madden them.
"Tell me..."
Bumaling ako kay Sahil. He was leaning on the tree while I'm sitting on my favorite seat.
My swing.
Ngumiti ako ng tipid saka umiling. Walang balak isatinig ang mga nasa isip.
"Tapos ka na magluto?" kalmadong tanong ko.
His brows arched. Unti-unting nagugusot ng guwapo niyang mukha.
"You have a problem? You can always tell me, Ralae..." sandali siyang tumigil at tumitig. "But I won't force you... I'll wait."
I stared back. "You're overthinking too much, wala akong problema, Sahil..."
Natamihik siya at sandaling nag-isip. Ang mga mga ay nananatiya. Liquefying my whole being. Tahimik akong binabaliw.
"Tss..." he said after a minute. "Let's go inside, kakain na."
Ngumuso ako at tahimik na sumunod sa kaniya.
Nang makaupo kami sa hapag ay madilim ang kaniyang mukha. Tila malalim na rin ang iniisip tulad ko kanina. Ngumuso ako at hindi na siya inusyoso. For sure he won't tell me.
Is he mad? Hindi naman 'yan nagagalit eh. Sa aming dalawa ay ako ang madalas magalit. He will never get mad at me. Tingin ko... kasi kahit ako naman ang may kasalanan ay siya parin ang nanunuyo.
Nang matapos kaming kumain ay ako naman ang nag-ayos sa kusina. I was washing the dishes when he came out. Wala naman siyang ibang pinupuntahan kung hindi ang pool area. Minsan humihilig sa puno o kaya naman ay nauupo sa madalas kong pwesto. Sa swing.
Doon ko nga siya naabutan. Mukhang may malalim ding iniisip.
"I won't ask. I'll wait too." I chuckled playfully.
He looked at me with his playful smirk. Saglit kong nahigit ang aking hininga. We're already together for how long, but sometimes I cannot handle his handsomeness. Hindi ako masanay-sanay. Pakiramdam ko minsan hindi totoo ang lahat. Hindi totoong akin siya.