Chapter 31

85 3 8
                                    

Chapter 31


Medyo nakahinga ako ng maluwag nang tuluyang malanghap ang preskong hangin ng El Diego. Pagkababa sa sinakyang bus ay naghanap agad ako ng masasakyang tricycle patungo sa may dalampasigan.

Walang laman ang utak ko kung hindi ang makita si Sahil. I wanna see him badly. Alam kong isang pasada palang ng mga mata ko sa kaniya ay agad na mawawala ang aking pasan-pasan. Gusto kong magsumbong. Gusto kong ayain siyang magpakalayo-layo. Because I know that he'll always be the one who'll take my side.

Mahal niya ako. I'm sure of that.

He's sure of me. He wouldn't think of marrying me if he isn't...

I'm now eighteen Sahil. Ask me now and I will never hesitate to answer, yes.

Mabilis ang kabog ng aking dibdib habang natatanaw ang papalapit na imahe ng dalampasigan. Hindi na ako makapaghintay. I didn't text him because I wanna surprise him. Gusto kong ako naman ang mag effort na puntahan siya.

Pababa ako sa tricycle nang marinig ko ang malakas na tugtog at hiyawan. Kunot ang noong naglakad ako sa baybayin hanggang sa matanaw ko ang magarbong disenyo ng mga bulaklak. Hindi malinaw sa aking mga mata ang pangalan na nasa stage, because of the flowery designs. Malamang ay pangalan iyon ng may birthday.

My mouth is parted in wonderment. Everything is so wondrous. Ganito rin sana ang ihinanda ni Mommy para sa debut ko.

Punong puno ang paligid ng mga bulaklak. Halos pamilyar ang mga iyon dahil nakita ko na ang ilan doon na nakatanim sa aming plantasyon. Punong-puno rin ng mga bisita. Ang iba ay hindi pamilyar ang mukha sa akin. Ang mga nakatira sa malapit na bahay ay nakikinood din. I even saw Fonso and Niel laughing with their friends. Kumakain sila at masayang nagkukwentuhan.

Kuryuso akong naglakad palapit nang mapagtantong sa harap pala ng rest house ni Sahil mismo idinaos ang selebrasyon.

Where is he?

Huminga ako ng malalim.

"Niel! Fonso!" I called. Isinantabi na ang hiyang nararamdaman.

They both smiled when they saw me. Kumaway sila at pinaypay ako palapit. I shook my head in disbelief. I am not invited. Nakakahiya naman kung basta-basta ako makikisalo sa kanila.

Narinig kong muli ang hiyawan.

I roamed around my eyes and found the bunch of teenagers near Sahil's rest house. Natanaw kong pinapalibutan nila ang babaeng nakasuot ng puting dress.

I smiled inwardly. She's pretty and she looks so elegant. Siguro siya ang may birthday.

Bumaling muli ako kina Niel at nakitang palapit na sila sa akin. Nagsisikuhan pa sila kaya natawa ako ng mahina. They really looked cute when they tease each other.

"Si Juan ba?" Fonso cleared up his throat. "Kasi... mukhang hindi siya puwede ngayon."

My smile faded.

"Why?"

Nagsikuhan silang muli.

"Medyo busy siya ngayon eh, baka hindi ka lang maasikaso..." si Niel.

"Ah... Kilala niya pala 'yong may birthday dito..."

"Oo kilala niya, pinsan niya ata 'yan."

Tumango ako. "Where is he? I just need to see him."

"Nasa loob ata." Nagtinginan sila. "Puwede kang sa amin muna sumama, baka mamaya hindi na 'yon busy..."

"Hindi ba nakakahiya?"

When the Flower Withers (El Diego #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon