Chapter 36
"I'll call her..."
My eyes narrowed in disbelief. Mabilis ko iyong iwinala. Ramdam ko rin ang pagkunot ng aking noo dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam. Hindi ko siguro nagustuhan?
What?!
Now what, Raquelle? 'Di ba iyon ang pabor na hihilingin mo sana? Bakit naman kunot na kunot na ang noo mo? Nakakahiya ka talaga.
Bahagya akong umiwas ng tingin. Hindi matanggap ang paratang sa sarili. Hindi rin matanggap ang kaonting inis na umusbong dahil sa sinabi niya. Ano'ng karapatan kong mainis? Nagpapatawa ka ba, Raquelle?
"Si Raven ang ipapatawag ko..." agap niya. "Pinsan ko, lalaki..."
Hindi ko na iyon pinansin.
Tumalikod ako at naglakad patungo sa kusina. Pinipisil pisil ang dalawang palad dahil sa mga nagliliparang eksena kanina lamang.
Realizing all my actions a while ago. Kanina mo pa pala ipinapahiya ang sarili mo! Simula roon sa pagdepensa tungkol sa pagbabalikan! Tapos ngayon na halatang nabakas niya ang pagkainis ko!
How I wish I have the power to delete those embarrassing incidents.
Ramdam ko ang pagsunod niya kaya naman inis ko siyang hinarap.
"Ang akala ko papatawagan mo? Ba't sunod ka ng sunod?"
"I don't have her number.. just to inform you."
Bumalik sa pagkakakunot ang aking noo.
"Why do you need to inform me? Sa tingin mo ba makukuha mo ako sa simpleng gano'n? Just stop! Masasayang lang ang oras mo.."
"Gusto ko. I'll do everything to make you comeback to me." he said with finality.
Ang walang hiyang 'to.
"Do whatever you want. Mapapagod ka lang."
Iniwan ko na siya sa kusina at bumalik sa living room. Hindi na ako umupo sa pahabang sofa. I sat on the single one. Naisip kong baka siya naman ang tumabi sa akin. Damn, you're really embarrassing Ralae!
Ilang saglit ay narinig ko na siyang may kausap sa kabilang linya. Napahaplos ako sa aking dibdib.
This bitch just wouldn't stop. Kanina pa ako ipinapahamak!
"Damn, ask your other cousins." rinig kong wika niya. "Then ask Tita Henrietta..."
"Fuck you, don't talk about it or I'll punch your mouth.."
Napairap ako sa pagmumura niya. Look at this brute, noon ay tila hindi makabasag pinggan dahil mas pino pa ang galaw sa akin. Tingnan mo ngayon at may itinatago rin palang karahasan.
At bakit mo naman naisip na mas bagay ang pagiging marahas sa kaniya?
"Okay, thanks."
Agad kong isinuot ang seryosong mukha nang lumabas siya sa kusina. Diretso sa akin ang kaniyang tingin. Inangatan ko siya ng kilay at ipinagkrus ang aking mga braso.
"Alis na.."
Naningkit ang kaniyang mga mata ngunit bakas naman ang pagkamangha. Umirap ako ng palihim. Tama ba ang mga nakikita mo, Raquelle? Nahihibang ka na naman.
Sunod-sunod ang pagalit ko sa sarili.
"Tayo, Ralae.. Tayo ang aalis. You'll come with me." sabi niya sa malambing na tinig. "Let's go hmm? I know the place..."
"Hindi mo naman kailangang sumama. Kaya ko naman."
Malamig na siya tumingin. Sanay na ako roon dati pa. Hindi ko lang alam ngayon bakit tila tumaas ang intesidad ng klase ng tingin niya. Siguro naiinis na sa kasungitan ko? Hindi sanay? Sanay na pinapaluguran palagi? Hah!