Chapter 8

63 15 2
                                    

Chapter 8



Maybe he likes me. Maybe not. Nova's right. The latter might be the right answer.

He doesn't really like me and I am just assuming things.

Maaaring ang rason kung bakit lagi siyang nakatitig sa akin ay dahil kuryuso siya. Hindi dahil may pagtingin siya sa akin, maaaring nag oobserba lang. Nag-aanalisa. Baka nalaman niya ang tungkol sa mga pinaggagagawa ko. About how I play with boys and then tossed them away when I'm finished. Kapag nagsawa na. Siguro iyon nga ang dahilan. Nothing else.

I remember, he said I'm famous. Kaya nga nalaman niya ang aking pangalan. Kaya baka tama ang mga nasa isipan ko.

If my assumption is right, how would I able to get him? To own him?! When his perception of me is already tainted?!

Binagabag niyan ang aking isip magdamag kaya naman hindi maganda ang gising ko kinaumagahan. Wala akong gana mag-ayos at basta basta nalang umalis ng bahay.

My face is crumpled when I walked through the corridor. I can still hear the students gossiping some things about me. The usual gossip about me who never dated guys anymore. I didn't mind them as always.

"Iyong transferee na si Reign, maganda tapos ay katulad niya rin ata..."

"Malamang galing siyudad iyon. Nakita ko kanina, mukhang may nilalandi na!"

"Boys are flocking outside their classroom!"

"Malamang ay mga nagpapapansin dahil may baguhan. Gano'n naman palagi rito kapag may bago."

I suspired. So Reign is the name of the transferee. Kaklase ni Sahil at katulad ko rin daw. Well, I already changed. Hindi na kami magkatulad.

"Alam niyo ba kung sino ang nilandi niya?" I heard them mumbled.

Binagalan ko ang lakad dahil sa hindi malamang dahilan. Nevermind. I just wanna hear who it was.

"Si Juanico!"

Nakahinga ako ng maluwag. I continued walking with normal pace.

"You mean, si Sahil?! Sahil Juanico?"

I halted. Bigla ko silang nilingon at nakitang sa akin na nakatuon ang mga tingin nila.

My forehead turned creased then I walked towards them. Sabay-sabay nanlaki ang mga mata nila at nagtulakan pa.

"What did you say?" baling ko sa nagsabi ng tsismis.

Ang init ng ulo ko ay biglang dumoble dahil sa narinig. Biglang nakaramdam ako ng bigat din sa dibdib. That Reign can't flirt with Sahil! Hindi ko nga magawa iyon, tapos siya ay hindi man lang siguro nagdalawang isip!

Look! Student are already aware about it!

This is what I get for being so slow! Dapat pala sinunod ko na si Nova. Dapat ay inabangan ko na kahapon si Sahil! What the!

"H-Huh?" the girl nervously asked.

Nagtiim bagang ako at mabilis silang tinalikuran. I even heard their murmurs, hindi ko na pinansin. Mabilis akong naglakad patungo sa pinakahuling room. I need to witness it! I need to confirm it!

Kahit na maraming lalaki ang nag-abang sa paglalakad ko ay hindi ko sila pinansin.

"Nagbago na 'yan Niccolo, tingnan mo hindi na namamansin!"

Kunot na kunot ang noo ko habang naglalakad at nang marating ang silid-alaran nina Sahil ay agad ko siyang hinanap. Sumilip talaga ako sa mismong pintuan kahit na may mga nakatambay roon.

When the Flower Withers (El Diego #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon