Chapter 26

60 3 5
                                    

Chapter 26





Halos isang linggo na ang lumipas ay hindi parin umuuwi sina Mommy na ipinag-alala ko na. I was just quiet but I kept my worries inside me. Kapag mag-isa ako ay doon ako nag-iisip ng malalim.

What's seriously our problem? I am positive that it's not about the plantation because I heard it's doing well. Palago ito ng palago dahil maayos na naaalagaan ng aming mga trabahador. Despite the capricious climate, it's thriving. Kahit na palagi silang wala ay maganda ang takbo ng negosyo.

Nagbuntonghininga ako at naglakad patungo sa veranda ng aking kwarto. It's already dark inside. Kakapasok ko palang sa aking silid galing sa pool area kasama si Sahil. He's probably sleeping next door, sa guest room na binigay ni Mom.

Kahit naman nasa tabi ko siya palagi ay hindi ako nakalaya sa pag-aalala. They're my parents after all. Minsan ay nakakalimot ako ngunit kapag mag-isa na sa silid ay saka naaalala ang lahat.

Kung seryosong problema ay kahit hindi nila sabihin sa akin, makakaramdam parin ako ng pag-aalala dahil anak nila ako. I wanted to share with their sufferings and sleepless nights. Kahit presensya ko nalang at pagsuporta ang maitulong ko sana...

Ilang minuto ako nagpalipas doon baga nagpasyang pumasok at idaan nalang sa tulog ang lahat.

It's daybreak when I deaved from my sleep. Nakaramdam ng uhaw kaya tamad na bumangon para bumaba. The lights are dimmed.

Sa kalagitnaan ng pagbaba ay narinig ko ang malamig na tinig ni Sahil. His voice are coming from the kitchen. Bumagal ang aking paghakbang at pinakinggan iyon.

"I want him jailed. Oh don't ask me what he did, nauubusan ako ng pasensiya." kinilabutan ako sa lamig ng kaniyang boses. Parang hindi kaniya iyon. Malamig naman talaga siya magsalita. It's just that, the voice he used is lethal. Hindi ako sanay doon.

Nakakanginig.

"Don't let the others bail for their liberty. Walang makakatakas, they all deserve to be in jail for being a fucktard." matalim niya muling wika. "Don't ask too much, Rave. Just do what I said. Tsismoso."

Nang marinig ang pagpatay ng tawag ay tahimik akong bumalik sa aking silid. Itinakip ko pa ang kumot sa aking buong katawan.

What's with him?! What's with the sudden changes of his personality?! Paiba-iba. Sometimes he is soft, sometimes cold and now I can feel the danger and lethality around him. Oh damn Sahil. Sino ka nga ba?

Natanto kong hindi ko pa pala siya masyadong kilala. I just know his name, hindi pa nga iyon full name. His name is Sahil Juanico. What's his surname?

I really don't know...

I only know a bit of information of him.

He is living in a rest house just beside the shore. May tinatawag siya Papa na nagtatrabaho sa amin. Buong akala ko ay ama niya iyon pero hindi naman daw. Saan ba siya galing? Where's his family?

Nagpagulong-gulong ako sa kama habang nag-iisip at nanghuhula kung saan nga ba siya nakatirang tunay. Bigla na lang siyang sumulpot dito. Bigla nalang may sumulpot na misteryosong lalaki na kung makatingin dati ay parang mangungutang.

Nakatulog ako sa pag-iisip. Nang magising kinaumagahan ay inuna ko ang pagligo at pag-aayos ng sarili. May usapan kaming mamasyal ngayon dahil malapit na naman ang pasukan.

"Good morning..." bati niya nang makita akong bumababa sa hagdan.

Nakaligo na rin siya. Magulo ang basang buhok. Nakakamangha talaga na kahit isang itim na t-shirt at pantalon lamang ang kaniyang suot ay nagagawa niya paring mag-mukhang kaakit-akit sa aking mga mata.

When the Flower Withers (El Diego #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon