Chapter 24
I was always shrugging away the irritation I've felt for her. We're friends. She's my closest friend. Nasasayangan ako sa pagkakaibigan namin kaya isinantabi ko na lang ang inis na hindi ko alam kung saan ko nakuha. Palagi akong nagpapasensiya, ngunit ngayon hindi ko na alam kung kailangan ko pa ba iyon.
My patience is slowly leaving me. Yesterday, I still tried to grasp on it. Nagpasensiya pa ako sa lagay na iyon. Hindi ko na talaga alam ngayon.
I dialed her number. Nanginginig ang kamay ko habang ginagawa iyon. Ang galit sa loob ko ay malapit ng sumiklab. That bitch!
Hindi ko man lang nahinuha ang plano niya kahapon!
It's because I still considered her as my friend. At akala ko'y hindi niya iyon magagawa sa akin!
Ang boses niyang humahagikhik ang sumalubong sa akin. Kunot ang aking noo at kung puwede lang ipasok ang kamay sa aking cellphone para abutin ang kaniyang buhok ay ginawa ko na.
"Delete your post Nova!" singhal ko, sana naman mabakas niya sa aking tinig ang aking galit.
"Why? Hindi ko alam na tipo mo pala iyong si Fredo at nagpakandong ka pa nga!" I don't know if she's being sarcastic or what...
"He's not my type! Hindi ako nagpakandong–"
"Noong kasama mo kami ay hindi ka nga nagpakandong! When you two were alone, doon ka lang lumandi–"
"What the fuck are you talking about Nova? That Fredo harassed me!" inis kong sigaw. "Nakita mo 'di ba? You even took a picture of us, imbis na tumulong sa akin!"
Natahimik naman siya ngunit ilang segundo lang ay narinig ko ang nakakairita niyang tawa.
"He harassed you? Oh come on, hindi iyon 'yong nakita ko. You two looked so sweet pa nga. At bakit ngayon mo lang sinasabi? Bat hindi mo sinabi kahapon kung totoong hinarass ka nga? You're lying!"
Iritado akong bumuga ng hangin. If only she's here and we're facing each other, baka nasapak ko na. How could she close her mind about that serious thing? Mas pinaniwalaan kung anong nakita kaysa sa mismong nakaranas ng kalapastanganan. Ang bobo.
"Because I don't want to make an issue. It's my birthday yesterday, ayaw ko sirain!"
"Ayaw mong sirain? Ang totoo, ayaw mong malaman ni Sahil dahil balak mong ipagsabay sila ni Fredo!"
"Putangina? Bobo ka ba?!" I was so mad. Thought that my rage is already on peak, puwede pa pala iyong lumagpas doon.
"Hindi mo ako madadaan sa galit mo na halata namang pagkukunwari lang..."
Pumikit ako ng mariin. Handa ng ilabas ang apoy ma kanina pa gustong sumabog.
"I don't understand why you're pushing me to talk to him yesterday, narinig mo namang nag-sorry na ng harap-harapan! And you saw with your two eyes how he clings on me at ayaw ko ng gano'n dahil hindi ako kumportable! It's obvious that he's a lecher pero pinilit mo ang pag-uusap na nauwi lang sa pangmamanyak ng gagong 'yon!"
She gasped sarcastically. "You just don't want Sahil to know about your impetuosity–"
"Shut up! I'm starting to think that you planned this all. You like him right? Akala mo ata magkakasiraan kaming dalawa kaya nagawa mong mag-post–"
I halted when I realized that she ended the call. I suspired heavily then I throw the phone on the bed. Nanginginig parin ang aking mga kamay kaya ikinuyom ko iyon.
That bitch. May nalalaman pa siyang patulak-tulak sa akin kay Sahil. May nalalaman pa siyang advice para hindi ko sukuan ang lalaki. Iyon naman pala siya iyong may gusto roon. I don't care if she was the first one to like Sahil. Ako naman ang gusto n'on kaya bahala siyang mangisay sa inggit.