Chapter 3
When I finally closed the door, my fervid tears immediately flow like a never-ending waterfall.
Traydor.
Napakatraydor ng mga luha ko. Hindi na talaga nagpapigil!
I weakly leaned on the door then I tried to stand firmly. I tightened my hold to the tupperware so it wouldn't fall. Wala akong makakain kapag natapon iyon. Nanghihina na ang mga tuhod ko kaya't napaupo parin ako sa malamig na sahig habang tahimik na umiiyak.
Bakit ba ganyan siya...
Why is he acting like he didn't hurt me bad?
Why did he even come back here? Nalaman niya bang umuwi ako kaya bumalik muli siya rito? For what? Para kunin ang loob ko? I know that he can do it effortlessly. Noon nga ay isang tingin niya lang sa akin ay baliw na baliw na agad ako. Isa. Dalawa. Tatlong salita lang ay halos magkagulo na ang sistema ko.
But now I won't let him. Sa una lang naman 'yan magaling e. Sa huli ay alam kong sakit na naman ang makukuha ko kaya hindi na ako magpapadala sa kaniya...
Nakakapagod na mag-isip kaya hinayaan ko nalang ang aking mga luhang tumulo. I'm really done crying for him. Ilang balde na ba ng luha ang nailabas ko dahil sa kaniya? I'm so tired.
My eyes is so tired.
Siguro'y naiimbiyerna na rin sa akin.
Nang matapos ako sa pag-iyak ay tahimik akong tumungo sa kusina na parang walang nangyari. Like I didn't burst out. Gano'n naman ako palagi.
I opened the tupperware. Sumalubong agad sa aking pang-amoy ang mabangong luto ni Sahil.
Menudo at 'tsaka may kanin na ring naka-separate.
I smiled bitterly. He's always like this. Always concern about me.
My stomach is growling already so I didn't hesitate to eat it. Siguro ito na ang huling beses na pagbibigyan ko ang sarili. Next time, if ever he'll give me food again. I'll definitely refuse. Kasi para saan naman iyon?
Him? Being friendly?
Oh please. Sa iba nalang siya makipagkaibigan.
Sa sobrang pagkagutom ay naubos ko ang pagkain. Agad ko namang hinugasan ang tupperware dahil naisip kong ibalik sa kaniya.
I don't plan to see him again but I'll return it if possible.
Ayaw kong may makitang gamit na pagmamay-ari niya rito sa pamamahay ko.
Huminga ako ng malalim at sandaling naglinis sa kusina bago pumanhik sa aking silid. I did my night routine before going to my bed.
I'm not yet sleepy but I'll try to sleep. Maaga akong aalis bukas para tumungo sa marketplace tapos ay hahanap din ng pwedeng magtanggal ng swing sa likod ng bahay. I'll try to clean the pool too before going to the plantation.
Kinabukasan ay iyon nga ang ginawa ko. I freshened up before going to the market. I am wearing a crop top and a maong miniskirt. My wavy hair is on a high ponytail because I know the sun is blazing. Tanging lipbalm din lang ang kolorete ko sa mukha.
Mabilis naman akong nakarating sa marketplace. I even saw some commercials on the big television that is hanged on the wall.
"Saccharine..." I mumbled.
Kilala ko ang isang miyembro nila. Si Galilee. She lived here before. She's very pretty.
Ngumiti ako at nagpasya ng magsimula sa paggo-grocery. Kumuha ako ng medyo maliit na cart. Kaunti lang naman kasi ang bibilhin ko. Just some canned goods, ingredients, vegetables and meat.