Chapter 33
Nang makauwi ako ay hindi na ako nagpadalos-dalos pa. I opened my email and saw that Ena really send me the hospital address. Pati ang detalye kung nasaan bang kuwarto si Mommy.
I can only cry in remorse.
Nilalamukos ng lungkot at galit ang puso ko. Lungkot para kay Mommy at galit naman kay Ena. Kung sinabi niya ng mas maaga baka... baka naging mas maayos pa si Mommy. I have all the money! Kaya ko siyang ipagamot kahit saan pang mamahaling hospital... I can give my all... for her.
I can prevent her pain! I can do everything to bring her strength back!
But... it's already too late. She's.. dying. Mahirap tanggapin pero wala naman akong magagawa.
I don't have the power to change what happened in the past. What I can only do is to say sorry for all my wrongs. Alam kong hindi magiging sapat iyon. But what can I do? Iyon lang ang alam kong magagawa ko para kay Mommy. Naalala kong hindi ko iyon nagawa noon dahil pareho kaming lugmok sa lungkot. Maybe... maybe she's waiting for me. To finally hear my apologies.
Or so I thought...
"Leave!" agad niyang sigaw nang makita akong nakatanaw sa kaniya mula sa pinto.
My eyes immediately watered seeing her with no traces of strength. Payat na ang pangangatawan at tuyong-tuyo ang maputlang labi na tila hindi man lang nakakainom ng tubig.
Suminghap ako at pinigilan ang paghikbi.
"I said l-leave, Raquelle!" sigaw niyang muli.
Umiling ako at dahan-dahang naglakad palapit sa kaniya. Pawang nakakuyom ang aking mga palad dahil sa matinding panginginig. This is the first time I saw her after she left. Tapos ito pa ang makikita kong kalagayan niya? Was my hunch's right? Ena's really neglecting my Mom?
"Please... don't go n-near me..." she weakly mumbled.
Doon ako tumigil pero ang mga luha ko ay napatuloy parin sa pag-agos. Nanghihina ako sa sobrang pagkaawa. I know she doesn't want that. She doesn't need my pity. It's the last thing I'll give to her.
But I pity myself too.
She still doesn't want me in her weakest state.
Can't I be her nurse too? Can't I be her soldier too? 'Cause I can also fight for her... Can't I be her pillow she can hug? Can't I be the daughter she wanted to show all her pain too? Kaya ko naman lahat. Kaya ko namang higitan ang nagawa ni Ena para sa kaniya..
Napayuko ako upang itago ang mga luha kong sunod sunod-sunod na nagsisipatakan.
"W-Why... Mommy?" I weakly asked.
Narinig ko ang mahina niyang paghagulhol.
"L-Leave." namamaos na ang kaniyang tinig. "Just leave..."
"I can't, gusto ko po muna rito. I wanted to take care of you too..." I gulped hard. "Ngayon ko lang magagawa ito, Mommy... Please let me take care-"
"You heard her, right? Umalis ka na raw."
Sabay kaming napalingon kay Ena. Umangat ang kilay niya sa akin at itinuro ang pinto habang nakangisi.
"Leave." she coldly said before she walked passed through me.
Padabog niyang inilapag sa lamesa ang dala niyang plastic na siguro'y gamot ang laman saka muling lumingon sa akin gamit ang masama niyang tingin.
"Alis na! Hindi ka pala niya kailangan dito."
Bumuntong hininga ako at kagat kagat ang ibabang labing lumingon kay Mommy. Nakayuko na siya habang humihikbi ng mahina. Napapikit ako ng mariin bago tuluyang tumalikod at naglakad palabas ng kuwarto.