Chapter 11

88 15 2
                                    

Chapter 11




Umiwas ako ng tingin habang pinapakiramdaman ang sarili.

Ang kalasingan ay hindi ko na maramdaman.

My head is spinning a while ago! I just heard his thundering voice then it suddenly fade away...

I gulped when I felt his emphatic stare. Sinubukan ko siyang lingunin ngunit agad na napaiwas ng tingin nang makita ang seryoso niyang mukha. I mean he's always serious, but his seriousness is just different today. Hindi ko maipaliwanag. He's always unexplainable though. It is so hard to fathom his emotion. Wala akong ibang magawa kung hindi ang mabalisa habang nanghuhula...

This enigmatic man is really something.

Wait. Is he mad at me?

I glanced at him again.

Napabuntonghininga ako. His eyes isn't focused on me now. He's looking at somewhere while his jaw is slightly clenching.

"Galit ka?" hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa aking bibig!

Damn it. Ako pala ang galit dito! Mukhang nahahawa na ata ako sa kadaldalan ni Nova. Ni hindi ko na napigilan ang sariling bibig.

Napalunok akong muli nang makita ang dahan-dahan niyang paglingon sa akin.

"Palagi..." he halted. It's like he's hesitating to ask.

Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago umiwas muli ng tingin.

I bit my lower lip when I realized that there's a chaos inside me. Dinala ko ang isang kamay sa aking dibdib saka ako napapikit.

I should hate this feeling. Hindi ko lang alam kung bakit nagugustuhan ko pa. I already quit right? Kaya ano'ng ginagawa ko? Dapat ay kanina pa sana ako umalis! Now, I'm suddenly torn...

Nagmulat ako at mabilis na bumuga ng hangin.

Ayaw ko ng umalis. Ayaw ko na ring sumuko. Gusto ko talaga siya! Gustong-gusto ko si Sahil! Isa. Dalawa. Tatlong salita pa lang ang narinig ko galing sa kaniya, heto at tila nababaliw na naman ako. Biglang nalimutan ang mga salitang binitawan tungkol sa paglimot at pagsuko sa kaniya.

"Palagi ka bang umiinom kasama ang mga kaibigan mo?" he continued.

"Oo." I weakly answered.

His jaw clenched. Umihip muli ang panghapong hangin at itinangay ang ilang hibla ng aking buhok.

My lips is a bit trembling. Gusto kong magpaliwanag ngunit walang lumalabas na salita. What the hell! I thought I already adopted Nova's talkativeness! Gusto kong sabihin na hindi naman ako nagpapakalasing ng todo. I know my limitations. Ngayon lang ay hindi ko nakontrol ang sarili. Nadala ako ng sariling emosyon. It's your fault! Kung bakit kasi laging kasama mo si Reign?!

Tss.

"Your friends are bad influence." he coldly said.

Tumango ako. I know that.

"I-I know my l-limitations."

Namumula na ako. Alam ko. It's not because I drank. It's because I am so embarrassed. Idagdag pa ang nararamdamang kilig.

"Even so." aniya pa.

Ramdam kong muli ang titig niya. Now I had the audacity to stare back. Ang kaniyang malambot na buhok ay bahagya ring tinatangay ng dumaraang hangin.

He... He really looked so handsome. Lalo na kapag umaangat ang kilay at ngumingisi-

Mabilis akong umiwas ng tingin.

When the Flower Withers (El Diego #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon